Richard Gutierrez at Sarah Lahbati itinuloy ang kasal kahit may banta ng COVID-2019

Joyce Ann Olindo in Entertainment

Mar 15, 20201 min Read

Natuloy pa rin ang kasalang Richard Guttierez at Sarah Lahbati matapos  i-postpone ng dalawa ang kanilang much awaited church wedding kamakailan dahil sa banta ng COVID-2019.

Mga magulang, kapatid at ilan pang malalapit na pamilya lamang ng celebrity couple ang kasama sa kanilang civil wedding.

Ayon sa instagram posts ng dalawa na may parehong caption,

“I have you. and it’s enough. it’s everything. Thank you, Lord for today. ❤️ The big gathering to celebrate with all our loved ones, friends and colleagues will have to wait because we care more about everyone’s safety and health.”

Kaabang-abang ang kasalan ng dalawa dahil sa kanilang bigating sponsors tulad nina Pangulong Rodrigo Duterte, dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph “Erap” Estrada. Bukod pa rito ay ang kanilang breathtaking prenuptial shoot underwater.

Ngunit ayon sa dalawa, isasantabi muna nila ang pinaghandaang pag iisang dibdib kasama ang kanilang mga kaibigan at ilan pang mga imbitado para na rin sa kaligtasan ng karamihan.

Ang dalawa ay nagkakilala dahil sa isang teleserye noong 2012 at nagkaroon ng baby makalipas ang isang taon.

Na engage ang couple noong 2017 at ngayo’y may dalawa ng anak.


Photo Source: IG of Sarah Lahbati


It will make our day if you share this post 😊