Ryza Cenon, five months pregnant!
Jul 01, 2020 • 1 min Read
Ngayong araw na ito ay ibinahagi ni Ryza Cenon sa kanyang Instagram account ang kanyang picture kung saan makikita na sya ay nagdadalantao. Ang kanyang post ay may caption na “It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way.”
Hindi maipagkaila na marami ang nagulat dahil sa dami ng nagbigay ng comments sa kanyang IG post. Ngunit ang mahalaga ay maraming natuwa at sumusuporta sa kanya.
Ang huling boyfriend ni Ryza na alam ng publiko ay si Cholo Barretto. Dahil hiwalay na sila nito, definitely ay hindi sya ang ama.
Si Ryza ay may kasalukuyang boyfriend na isang cinematographer at nagngangalang, Miguel Antonio Cruz. Si Miguel ay taga-Bacolod ngunit kasalukuyang naka-base sa Manila. Nagkakakilala ang dalawa ng June of 2019 through a friend na isang Bank Manager. Inabot din ng 7 months ng panliligaw si Miguel.
Congratulations Ryza and Miguel!
Photo Source: IG of Ms. Ryza Cenon