Security guard, nagpaanak ng buntis sa daan

Joyce Ann Olindo in Ang Pinoy Stories

May 04, 20201 min Read

Umani ng papuri ang isang security guard matapos niyang mag ala midwife at magpaanak sa isang buntis na bibili lamang sana noong April 29.

SG Neil Atibagos
SG Neil Atibagos

Nakaduty noon ang sekyu na si Neil Atibagos nang kaniyang tulungan manganak ang buntis na netizen na bibili lamang sana sa AFPOVAI Subdivision, Taguig City.

Bago pa man dumating ang ambulansya ng Army General Hospital ay naipanganak na ng ina ang baby girl na pinangalanang Jasmine Riona.

Nagpasalamat ang ama ni baby Jasmine sa isang video na kuha rin ng nagpost na si Lovely Ramos at pinarangalan din siya ng kaniyang Agency dahil sa kaniyang ginawa.

Photo Source: FB of One Cavite


It will make our day if you share this post 😊