Sofia Andres, Mommy Na!

Entertainment

Jun 23, 20201 min Read

Noong Father’s day ay ginulat ni Sofia Andres ang lahat ng mag-post eto sa kanyang instagram account ng pagbati sa kanyang ama at sa kanyang racer boyfriend na si Daniel Miranda ng “I also want to celebrate my greatest love, Daniel.  I’m so grateful that I have you by my side because you have brought so much color and adventure into my world.  Not only that, you also been part of giving me my greatest happiness – our little angel.”

Sa sumunod na post ni Sofia ay pinakita nya ang picture ng kanyang little angel na si Zoe na ipinanganak noong November 24, 2019 sa Australia at magce-celebrate ng 7 months old bukas.

Ikinuwento ni Sofia ang masayang pagbubuntis nya kasama ang tatay ng kanyang anak na si Daniel Miranda at pamilya nito. Bago managanak si Sofia ay sumunod ang kanyang ina para maseguradong maaalagaan din sya nito.

Ang little angel ni Sofia at Daniel na si Zoe ay bininyagan noong Feb. 07, 2020 sa Sanctuario De San Antonio, Makati City kasama ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.


Photo Source: IG of Ms. Sofia Andres


It will make our day if you share this post 😊