Tom Rodriguez, gumagawa ng portrait kapalit ng donasyon
Joyce Ann Olindo in Entertainment
Apr 29, 2020 • 1 min Read
Bago pa man pumasok si Tom Rodriguez sa bahay ni kuya sa Pinoy Big Brother, siya ay isa ng Graphic Artist by profession.
Ngayon ngang kasagsagan ng quarantine, gumagawa ng personalized portrait si Tom at ilan pang artists sa “Guhit Pantawid: Portrait for a cause” na ang kapalit ay donasyon para sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho tulad ng Jeepney drivers, street vendors, construction workers at iba pa.
Ang personalized portraits ay nagkakahalaga ng 500 pesos at maximum na 2 litrato lamang ang puwede na ipagawa. Super proud naman ang kaniyang girlfriend na si Carla Abellana na siyang nai-feature ni Tom sa kaniyang sample portrait sa instagram.
Photo Source: IG of AkosiMangTomas