UP Fighting Maroons Support the ‘Buy Local Rice’ Initiative

Joseph Guerrero in Ang Pinoy Stories

Sep 16, 20191 min Read

Trending ngayon ang sitwasyon ng mga magsasaka dahil binibili ang palay nila at seven pesos—ayon sa mga magsasaka but denied by Senator Cynthia Villar who heads the Senate Committees on Environment and Agriculture. Samantala, ang presyo ng bigas ay nananatiling mataas sa merkado. May tariff or tax ang mga imported rice with the recently passed Rice Tarrification Law, pero ang epekto nito ay ang mababang pagbili ng palay sa mga local farmers. Ang epekto nito sa mga magsasaka ay karagdagang paghihikahos ng kanilang mga pamilya.

Isang initiative na suportado ni former National Food Authority (NFA) administrator Renan Dalisay at ng UP Fighting Maroons ay ang pagbili ng local rice. Dalisay is one of the UP alumni behind the #NowhereToGoButUP initiative that mobilized help for the UP Fighting Maroons and other UP sports teams.

The Maroons are pushing people to buy local rice to help local farmers, dahil sila mismo ay nasa estado noon na may kakulangan sa suporta bilang manlalaro ng UP, until the group of Renan Dalisay came along and assisted them. The Buy Local Rice initiatve resonates well sa mga Maroons.

Ano ang pwedeng gawin ng karaniwang tao para makatulong sa initiatibong ito? Dalisay urges Filipinos to “create the demand again for locally-produced rice.” Paano?

  1. Maglobby sa local government units (LGUs) na bumili ng palay from local farmers at 20 pesos per kilo of palay at ibenta sa halagang forty pesos sa mga palengke. Dobleng kita na, nakatulong pa.
  2. Pagsabihan ang mga suki sa palengke na gusto natin ay locally produced rice at hindi imported. More sales of local rice equals more demand of local rice and more motivation for local farmers.

Baka sakaling sa ganitong pagtutulungan ay babangon ang mga local farmers, kagaya ng pagbangon ng Maroons from zero wins in 33 years since 1986.


It will make our day if you share this post 😊