9 na Paalala Para sa Simbang Gabi

Joyce Ann Olindo in Tips and Advices

Dec 18, 20212 min Read

Nagsimula na nga ang simbang gabi at dagsa na rin ang mga taong dumadalo sa misa para makumpleto ang siyam na araw. Sa natitirang mga araw, huwag nating kalimutan ang mga kailangang dalhin, gawin at dapat unawain.

Ilang paalala para sa mga bubuo ng Simbang Gabi.

1. Kagaya ng facemask at alcohol, seguruhin din na dala mo ang iyong vaccination card upang maiwasan ang aberya sa pagdalo ng misa.

2. Magdala ng mint candy kung madalas antukin sa misa. Maiiwasan din ang pagka antok kung uupo sa bandang harapan ng simbahan.

3. Dumating nang mas maaga upang makapasok sa loob ng simbahan at mayroon pang maupuan.

4. Kung hindi ka sanay sa malamig na panahon, magdala ng jacket, sweater o balabal bilang panangga sa lamig.

5. Kung isa kang OFW o takot pang lumabas dahil sa COVID, maaari ka pa ring makadalo sa pamamagitan ng online mass. Mag subscribe sa mga simbahang nagsasagawa ng live masses at i-on ang notification upang malaman mo kung magsisimula na ang misa.

6. Magdala ng extra na pera or barya. Ang sosobra sa iyong love offering ay maaari mong ipambili ng bibingka, putobumbong o lugaw at maaaring makatulong din kung sakaling may mangyari na hindi inaasahan.

7. Huwag kalimutang magdala ng payong, hoodie o sombrero. Mabuti na ang handa dahil minsa’y bigla biglang bumubugso ang ambon at ulan. Siguraduhing tanggalin o ibaba ang sombrero/hoodie bago pumasok sa simbahan.

8. Kung mag isa ka lamang na magsisimba, sumabay sa maraming tao at iwasan ang paglalakad sa madilim na lugar. Kung maaari ay yayain mo ang iyong pamilya, kaibigan o kasintahan sa pag simba.

9. Iwasan ang pagsuot ng “revealing clothes” lalo na’t magsisimba at malamig ang panahon.

Makumpleto mo man ang simbang gabi o hindi, laging tatandaan na ang pinakamabisa pa ring paraan para umani ng “ligtas points” ay ang pagiging mabuting tao.


It will make our day if you share this post 😊