Panagbenga ng Baguio

Leonard in Travel

Feb 02, 20203 min Read

Pebrero na at maliban sa inaantay na Araw ng mga Puso, isa sa pinaghahandaan na trip of the month ay ang Panagbenga, ang sikat na flower festival ng Baguio City.

Ang Panagbenga ay isang kapistahan na idinaraos sa buwan ng Pebrero sa lungsod ng Baguio. Ang salitang Panagbenga ay nangangahulugan ng “panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak.” Sa pagdiriwang nito ay ipinagmamalaki ng mga taga-Baguio ang kasaganahan ng mga bulaklak at ang kanilang mayaman na kultura.

Photo Source: baguio.com.ph

Ang Panagbenga 2020 ay isang kapanapanabik na kapistahan sapagkat pinagdiriwang ngayong taon ang ika-25 taon nito. Ito ang kanilang Silver Anniversary, ibig sabihin mas maraming kaabang-abang na mga activities. Ang ika-25 taon ng pagdaraos ay may theme na “Blooming Through the Years.

Kaya naman kung ikaw ay naghahanap ng best place to date your love ones this February, consider joining the Panagbenga Festival. Siguradong di lang kayo ma-i-in-love sa mga flowers kundi masasabi nyo rin sa inyong love ones na “let’s bloom through the years.”

Kung single ka naman, huwag kang mag-alala. Malay mo sa Baguio mo na pala makikita ang ka-blooming mo through the years. Kaya ano pa hinihintay mo—ihanda mo na ang backpack mo kasama mga tips na ito sa pagbyahe mo sa Baguio:

  • Book your bus ticket early, pwede ka makakuha nito online or diretso sa mga terminal ng buses.
  • Book your accommodations early too, sapagkat marami ang bumabyahe sa Baguio lalo na’t ito’y isang dinarayo na pagdiriwang.
  • Alamin ang schedule ng Panagbenga activities para kapag pumunta ka, maayos na ang iyong itinerary.
  •  Syempre dapat alam mo rin ang venue para kapag nag-book ka ng iyong accommodations para malapit ka lang sa mga lugar na ito at di mo mamimiss ang ano mang mahalagang kaganapan.
  • Lastly, alamin ang parade route nang sa ganun malaman mo ang best place kung san ka tatambay. Ayaw mo syempre mamiss ang buong parada!

Kahit couple, single o brokenhearted ka pa na pupunta ng Baguio, mahal ka ng Ang Pinoy kaya naman eto ang listahan ng schedule at activities ng Panagbenga:

  • February 1 – Grand Opening day Parade (Update: Cancelled dahil sa nCoV situation)
  • February 1 to March 8 – Landscaping exhibit and competition at designated areas in the CBD/Parks; Baguio Blooms Exhibition at the Baguio Convention Center Parking Area
  • February 12 to 15 – School-Based Landscaping Competition (Judging)
  • February 14 to 16 – PMA Alumni Homecoming Weekend at Loakan Road, Baguio City
  • February 16 – Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio at the Melvin Jones Grandstand and Football Grounds
  • February 22 – Panagbenga Cultural Dance Competition at the Melvin Jones Grandstand and Football Grounds; Flower Tee Golf Tournament at the Baguio Country Club
  • February 23 – Pony Boys Days at the Wright Park Baguio City
  • February 29 – Grand Street Dance Parade from the Panagbenga Park to DILG to Session Road to Magsaysay to Harrison Road to Baguio Athletic Bowl                      
  • February 29-March 1 – Sponsor’s Day at the Baguio Country Club
  • March 1 – Grand Float Parade from the Panagbenga Park to DILG to Session Road to Magsaysay to Harrison Road to the Baguio Athletic Bowl
  • March 2-8 – Session Road in Bloom at the Session Road
    March 8 – Grand Fireworks Display, citywide

Make your February bloom! Travel na sa Baguio and enjoy!


It will make our day if you share this post 😊