The Top 11 Oldest Churches in Cavite
Jan 11, 2023 • 9 min Read
Ang Cavite ay isa sa mga probinsyang mayroong progresibong ekonomiya. Ayon sa datos ngayon, ang Cavite ang mayroong pinakamalaking populasyon, kung hindi kasama ang independent City ng Cebu. Tinatayang majority ng mga taga-Cavite ay may relihiyon na Roman Catholic.
Malaki ang papel ng Cavite sa ating kasaysayan kaya naman binigyan ito ng titulong “Historical Capital of the Philippines.”
Pinasyalan namin ang Cavite at inalam ang 11 simbahan na tinaguriang pinakamatanda o pinakamatagal ng nadiskubre at nakatayong istruktura sa lalawigan ng Cavite.
Top 11 Oldest Churches in Cavite
1. Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Candelaria, Silang (1595)
Ang Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Senora de Candelaria sa Silang ay kilala din sa tawag na Silang Church. Matatagpuan ito sa bayan mismo.
Itinatag ito bilang Parokya ng mga Pransiscano noong 1595, nasunog at itinayong muli gamit ang mga materyales na bato. Natapos ito noong 1639.
Ang simbahang ito ay kilalang-kilala dahil sa taglay nitong ganda at considered as the oldest standing structure of colonial baroque architecture in Cavite. Ang retablos o altar pieces sa simbahan na to ay declared as National Cultural Treasure by our National Museum of the Philippines.
Ang Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Senora de Candelaria is hailed as the oldest existing stone church in Cavite.
Address: Silang Town Plaza, Poblacion, J. Rizal, Silang, Cavite
2. Our Lady of the Assumption Parish Church, Maragondon (1618)
Ang Our Lady of the Assumption Parish Church o kilala din bilang Maragondon Church ay ang nag-iisang heritage structure sa Maragondon as declared by National Museum as National Cultural Treasure.
Itinayo ang simbahang ito ng mga Jesuits noong 1618. Nagkaroon ng ilang mga renovations hanggang sa makumpleto ito noong 1714, gamit ang mga sangkap na bato.
Mapapansin ang kakaibang mga bato na bumubuo sa façade ng simbahan, na ayon sa aming pagsaliksik ay mga irregular stones mula mismo sa Maragondon River.
Sa tabi lang ng simbahan ay naroon ang convent na itinayo noong 1666. Ayon sa mga information, pansamantalang ikinulong dito sina Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio habang nagkakaroon ng paglilitis hanggang sa dumating ang execution.
Address: Our Lady of the Assumption Parish Church is located at Poblacion IB, Maragondon, Cavite
3. St. Mary Magdalene Parish Church, Kawit (1624)
Ang St. Mary Magdalene Parish Church na kilala rin bilang Kawit Church ay kabilang sa listahan ng mga lumang simbahan sa buong Pilipinas.
Pagdating ng mga heswita noong taong 1624, agad na nag-umpisa ang groundbreaking ng simbahang ito. Kilala ang mga heswita na siyang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa lugar. Pagdating ng 1638, sa tulong ng ilang pamilya sa Kawit ay naitayo ang simbahan na gawa mula sa kahoy.
Ang St. Mary Magdalene Parish Church ay naging bahagi rin ng ating kasaysayan dahil dito bininyagan si Hen. Emilio Aguinaldo. Makailang beses na binomba ang simbahang ito noong Philippine-American war na muntik-muntikan ng makasira sa istruktura nito. Nagsilbi rin itong silungan ng ating mga kababayan habang nagaganap ang digmaan.
Sa susunod na taon, magce-celebrate ang St. Mary Magdalene Parish Church ng ika-400 years old ng kanilang pagiging Parokya.
Address: St. Mary Magdalene Parish Church is located at Tanggulan Street, Kawit, Cavite
4. St. Gregory the Great Parish Church, Indang (1625)
Ang St. Gregory the Great Parish Church ay tinatawag ding Simbahan ng Indang. Nagsimula ito bilang isang chapel ng Jesuits at naging ganap na Parokya noong 1625.
Malaking portion ng mga bato ng simbahang ito ay itinayo noong 1672-1676. Ayon sa aming nakita, nakumpleto ito noong 1707 at ang kumbento naman ay natapos noong 1710.
Noong Philippine Revolution, nasunog ang simbahan na ito at nirestore noong 1953 at 1987.
Ang St. Gregory the Great Parish Church ay isa sa mga simbahang napuntahan namin na mayroong magandang interior, tunay na kahanga-hanga.
Address: St. Gregory the Great Parish Church is located at Poblacion, Indang, Cavite
5. Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga – San Roque Parish, Cavite City (1688)
Ang Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga – San Roque Parish ay mahalaga ang papel nito sa kasaysayan ng Probinsya ng Cavite.
Taong 1688 ng maitatag ang parokyang ito, at dito matatagpuan ang pinakalumang painting ni Blessed Mother na kilala bilang Our Lady of Solitude of Porta Vaga or tinatawag din na Virgen dela Soledad de Porta Vaga.
Dito ay mapapansin na ang kasuotan ni Blessed Mother ay itim na sabi nila ay ito ang kasuotan tuwing holy week.
Ang Virgen dela Soledad de Porta Vaga was enshrined at the Ermita de Porta Vaga in Cavite Puerto since 1692 until 1941.
Address: Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga – San Roque Parish is located at P. Burgos Avenue, Cavite City, Cavite
6. Sto. Niño de Ternate Parish, Ternate (1692)
Ang Sto. Nino de Ternate Parish ay ginawa gamit ang mga adobe noong 1692 sa pangunguna ni Father Antonio de Borja, isang Jesuit Priest.
Noong 1700, ang Ternate ay naging visita ng Maragondon. Ang simbahan ay napabayaan kaya’t nasira. Pagkalipas ng ilang taon, nagpatayong muli ng panibagong simbahan at nasira na naman noong panahon ng Philippine revolution. Walang natira kundi ang image ni Sto. Nino de Ternate.
Makasaysayan ang pinagmulan ng Sto. Nino pati na rin ang bayan ng Ternate. Ang imahe na ito ay kilalang nagmula sa Mollucas, parte ng Indonesia na ngayon ay kilala din na minsang naging parte ang Ternate.
Ang image ni Sto. Nino de Ternate ay unique dahil ito lang ang Sto. Nino na kilalang malaki ang mata, gawa mula sa kahoy na may De Tallado style.
Address: Sto. Nino de Ternate Parish is located at Sto. Niño Street, Poblacion, Ternate, Cavites
7. St. Michael the Archangel Parish Church, Bacoor City (1752)
Ang St. Michael the Archangel Parish Church ay itinayo noong 1669, gamit ang mga materyales na bamboos, straws and nipa leaves. Ang simbahang ito ay dating kaparte ng Kawit.
Noong 1752, tuluyan nang nahiwalay ang St. Michael the Archangel Parish Church at naging parte ng Bacoor. Taong 1824 hanggang 1872, sa panahon ni Father Mariano Gomez, na kura paroko ng simbahang ito at isa sa 3 martyrs na pari ay mas lalong nakilala ang simbahang ito bilang isa sa pinakalumang parokya sa cavite.
Mayroong mga renovations na naganap pero mapapansin sa kasalukuyang istruktura na gawa ito mula sa adobe at tegula, at para maidikit ang mga ito, libu-libong duck white eggs ang ginamit.
Sa may bandang side ng simbahan na halos harap ng Parsih office ay matatagpuan ang head bust ni Padre Mariano Gomez, ang isa sa 3 paring martyrs.
Address: St. Michael the Archangel Parish Church is located at Barangay Poblacion, Bacoor City, Cavite
8. St. Francis of Assissi Parish Church, General Trias (1753)
Kilala bilang General Trias Church ang St. Francis of Assissi Parish Church. Ito rin ang unang catholic church sa lalawigan ng General Trias.
Ang St. Francis of Assissi Parish Church ay kilalang makasaysayan. Itinayo ito ng mga Franciscans noong 1600 at minsan ding naging parte ng Kawit. Taong 1624, nalipat ito sa mga Jesuits hanggang sa maging separate parish na ito noong 1753.
Ang una namang stone church ay inumpisahan noong 1769 sa pangunguna ni Doña Maria Josepha de Yrizzari Y Ursula, Countess of Lirazaga.
Sa katabi lang ng simbahan ay naroon ang dating kumbento na ngayon ay tinatawag ng Museo de San Francisco de Malabon. Ayon sa kasaysayan ay dito nag-practice ang Banda ng San Francisco de Malabon para sa Philippine National Anthem, bago ito tumungo sa Kawit para sa declaration ng Philippine Independence noong 1898.
Address: St. Francis of Assissi Parish Church is located at Governor Ferrer Drive, Sampalucan, General Trias City, Cavite
9. The Diocesan Shrine of St. Augustine, & Parish of Sta. Cruz, Tanza (1780)
Ang Diocesan Shrine of St. Augustine & Parish of Sta. Cruz ay kilalang-kilala bilang Parish of Sta. Cruz sa bayan ng Tanza. Dati itong visita ng Parokya ng San Franciscio at naging Parokya na noong 1780.
Noong 1839 ng maitayo ang simbahan ngunit nasira ito ng lindol. Ang Parokya ay pinamunuan ng mga Paring Pilipino subalit noong 1860, ibinigay ang pamamala sa mga Paring Dominikano.
Ang kasalukuyang istruktura ng simbahan ay itinayo naman noong 1873.
Sa harapan mismo ng simbahan ay naroon ang miraculous image ni St. Augustine of Hippo na sya namang patron saint ng bayan ng Tanza at Kilala ito sa tawag na “Tata Usteng.” Ang simbahang ito ay tingurian din bilang Home of the Hardwood patriarch.
Sa katabi lang ng simbahan ay naroon ang Parish office ay sa taas nito ay matatagpuan ang Tanza Historical Convent and Museum kung saan naganap ang panunumpa ni Gen. Emilio Aguinaldo noong 1897.
Address: Diocesan Shrine of St. Augustine & Parish of Sta. Cruz at Poblacion I, Tanza, Cavite
10. Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar, Imus (1795)
Ang Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar ay kilala din sa tawag na Imus Cathedral. Itinayo ang unang chapel ng Imus sa Barangay Toclong noong 1616 na dating nasasakupan ng Kawit.
Taong 1795 ng mahiwalay ang Imus mula sa Kawit. Noong 1823, sa pangunguna ni Fr. Nicolas Bicerra, sinimulan na ang Imus Cathedral sa location nito ngayon. Ang simbahang ito ay gawa mula sa bato at bricks, at ang façade ay patterned after the 5th Manila Cathedral design by Fr. Juan de Ugucionnie.
After more than 300 years, nahiwalay na nag Cavite from Manila. Nagkaroon ang Cavite ng sariling Bishop at ang tahanan nito ay matatagpuan sa compound sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Pillar. It was in 1962 when the Cavite Diocese was formally established.
Dito din sa compound ng simbahan ay matatagpuan ang Bell House kung saan naka-display ang apat na historic old bells.
Address: Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar is located at General Castañeda Street, Imus, Cavite
11. Diocesan Shrine of the Immaculate Conception Parish Church, Naic (1796)
Kilala din ito bilang Naic Church ang Diocesan Shrine of the Immaculate Conception Parish Church. Ang simbahan ay sinimulan noong 1796 sa pamumuno ni Pedro Antonio de Escuza, ito ang panahon na inihiwalay ang Naic bilang Parokya mula sa Maragondon.
Ang construction ng simbahan mismo ay nangyari noong 1800, gamit ang wood and cogon grass. Pagkalipas ng ilang taon, marami nang naidadag sa simbahan hanggang ginawa na ito gamit ang mga bato noong 1835 sa pangunguna ni Don Perdro Florentino. Wala itong kampanasyo noong una dahil kulang ang pondo.
Noong panahon ng Philippine Revolution, ang church convent nito ay nagsilbing headquarters ni Gat Andres Bonifacio. Dito din binawian ng buhay si Padre Modesto de Castro, tinaguriang ama ng prosang tagalog, may akda ng ilang novena at Urbana Felisa – na nagsilbing gabay ng kagandahang asal at pakikipagkapwa tao noong panahon na iyon.
Ang Diocesan Shrine of the Immaculate Concepcion Parish Church ay isa sa may pinakamataas (lagpas limang palapag ang taas) at may pinakamahabang (tinatayang 10 blocks ang kapareho) isytuktura na simabahan sa Cavite, sumunod sa Imus Cathedral base sa haba.
Address: Diocesan Shrine of the Immaculate Conception Parish Church is located at Poblacion, Captain Ciriaco Nazareno Street, Naic, Cavite
Kung nais niyong mapanuod sa YouTube ang aming feature tungkol sa Top 11 Old Churches in Cavite, puwede niyong puntahan ang “Ang Pinoy Channel,” o kaya naman ay iclick niyo ang mga links na ito: https://www.youtube.com/watch?v=KBsE153be7Y at https://www.youtube.com/watch?v=VbnrtcfHKb4
Nais po naming magpasalamat kay Father Virgilio “Vir” Saenz Mendoza, of Diocesan Shrine of St. Augustine and Parish of Sta. Cruz sa paggagabay sa amin para masegurado ang mga detalye dito sa Top 11 Oldest Churches in Cavite.