Ang Tahimik na Bayan ng Mendez

Travel

Aug 28, 20223 min Read

Long weekend na naman. Marami sa atin ngayon ang naghahanap ng puwedeng pasyalan kasama ang buong pamilya.

Sa kahabaan ng Tagaytay – Nasugbu National Highway, mayroong mga tahimik at maliliit na bayan sa kaliwa at kanan na hindi masyado napapansin.  Magaganda ang mga ito at handang-handa sa mga taong nais bumisita sa kanila.

Isa sa mga bayan na nais naming ibahagi ay ang Mendez – Nunez o kilala ng karamihan na Mendez lamang. Tahimik at malinis ang kapaligiran ng bayan na ito. Isa itong 4th class municipality na mayroong 24 barangays sa lalawigan ng Cavite.

Narito ang ilan sa mga piling lugar na puwede niyong puntahan sa Mendez – Nunez:

1. L & J Country Estate

Bago kami pumunta sa bayan na ito, ang talagang nakalista sa amin ay ang Café Julita. Pero sinorpresa kami dahil ang sumalubong sa amin ay ang compound ng L & J Estate kung saan naroroon sa loob ang Café Julita.

Malaki ang lugar at hindi kayo mamomoroblema sa parking dahil maluwag sya.  Very friendly ang atmosphere dahil sa gate pa lang ay binabati na kayo ng nagbabantay doon.

Dito sa loob ng L & J, mayroong playground for the kids, may function room for special events like weddings, birthday at iba pang celebrations, at may hotel area din kung saan puwede mag-overnight para makapag-relax naman ang buong pamilya.

Sa may bandang dulo ay naroon ang Café Julita na hango sa pangalan ng Ina ng mga may-ari ng buong compound. Ang coffee shop mismo ay maliit lang pero marami ang mga nakapaligid na mga tables and chairs sa malawak na open area. Mayroon silang area for business meetings and they also serve food kasama ang mga beverages at dessert.

2. St. Augustine Parish Church

Ang St. Augustine Parish Church ay more than 300 years old na at maryoong twin bell towers. Hindi mapapansin na matagal na pala ang simbahang ito dahil mukhang bago ang hitsura dahil na rin sa recent renovation.

Maliit lang ang simbahan pati na rin ang kabuong compound nito. Tahimik dito at masarap magdasal.

3. Noon Café

Ang Noon Café ay Asian themed na coffee shop. Napapalibutan ito ng bamboo fence, may ilang halaman sa loob at ang isa sa nagpaganda sa lugar ay ang drop lights installation na nasa gitna ng parking area na segurado kaming maganda ito sa gabi.

Medyo nasa tagong lugar ito pero hindi kayo maliligaw dahil sa dami ng directional signages. Hindi ito kalakihan at ang recommendation namin ay pumunta kayo ng off-peak hours para seguradong makapasok kayo sa compound at makapag-park ng maayos.

4. Paradizoo

Ang Paadizoo ay lugar para sa buong pamilya. Segurado kaming matutuwa ang mga bata dahil sa mga makikita nila dito. Malaki at malawak ang buong compound ng Paradizoo.

Para makita niyo kung ano ang meron sa Paradizoo, mayroong entrance fee na Php200 per head.

Makikita niyo sa loob ang mini-zoo kung saan puwedeng makipag-interact ang mga bata sa ilang piling hayop, may flower farm na sa tingin namin ay puwede mag-picnic sa gitna ng garden, may sili plantation, may mga ilan pang restaurant o café sa loob para sa mga medyo magugutom, may lugar din para mga gustong mag-emote lang pero pang team-building ang dating, may butterfly area din at ang nakatawag pansin sa amin ay ang area for the dogs who have passed away.

Sa Paradizoo, puwede na kayong mag-stay dito ng half-day para makapag-relax at ma-enjoy ng mga bata ang buong lugar.

5. Women’s Livelihood Program

Ilang metro mula sa Paradizoo ay makikita niyo ang maliit na bahay sa tabing kalsada na mayroong signage na “Women’s Livelihood Program.”

Sana ay dumaan kayo dito at bumili ng mga basahan para sa kaunting paraan ay makatulong sa mga masisipag na kababaihan sa Mendez-Nunez.

Ang aming feature o pagbisita sa Mendez-Nunez ay mapapanuod niyo sa aming YouTube Channel – Ang Pinoy Channel at narito ang link: https://www.youtube.com/watch?v=FnAbgt2294Y

Sana ay suportahan niyo kami para makapunta pa kami sa ibang lugar at maibahagi sa lahat ang ganda ng Pilipinas. Please don’t forget to like, share, and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.


It will make our day if you share this post 😊