City of Imus

Travel

Oct 22, 20224 min Read

Kilala ang City of Imus sa maraming bagay, pero ang tumatatak talaga dito ay ang tapang na naipakita ng ating mga kababayan noong panahon ng Philippine Revolution.

Ang City of Imus ay ang kasalukuyang Province Capital ng Cavite. Ito rin ang tinaguriang “Flag Capital of the Philippines” at dito rin nangyari ang isa sa pinaka-importanteng labanan na nagbigay sa atin ng Kalayaan, at ito nga ang “Battle of Alapan.”

Ang siyudad na ito ay isang third class component city sa Cavite na mayroong 97 barangays. Noong 2012, naigawad dito ang “Cityhood” na sinuportahan ng mga mamamayan nito sa pamamagitan ng isang plebisito.

Pinasyalan namin ng City of Imus at narito ang ilan sa mga piling lugar na maaari niyo ring puntahan.

1. Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar

Mahaba ang pinagmulan ng kasaysayan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar na kilala rin bilang Imus Cathedral.

Ang façade ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar ay patterned sa 5th design ng Manila Cathedral na dinisenyo ni Fr. Juan de Ugucionnie. Maganda at malaki ang buong simbahan. Dito matatagpuan ang pinakakatanging original at miraculous na korona ng Nuestra Señora del Pilar de Imus (Our Lady of the Pillar).

Sa may kaliwang bahagi ng harapan ng simbahan ay makikita din ang “Bell House” kung saan naka-display ang apat na lumang bells na may kanakayang mga inscriptions.

Dito din sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar compound nakatalaga ang tahanan ng Bishop ng Cavite.

Location: Poblacion, Imus, Cavite

2. Imus City Plaza

Isa sa mga attraction na maaaring pasyalan ng ating mga kababayan ay ang Imus City Plaza na nasa harapan lamang ng dating Imus Municipal Hall at ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar.

Makikita dito sa Imus City Plaza ang estatwa ni Hen. Lucerio Topacio, isa sa mga kinu-kinonsidera noong panahon ng Philippine Revolution para mamuno sa ating bansa. Bukod dito, narito rin ang iba pang sumisimbulo sa katapangan ng ating mga kababayan na taga-Imus katulad ng Battle of Imus, Battle of Alapan, ang historical mark para sa 13 martyrs ng Cavite at siyempre, ang pagiging Flag Capital of Imus.

Location: Poblacion, Imus, Cavite

3. Imus Heritage Park

Dalawa sa pagkakakilanlan sa City of Imus ay ang pagiging “Flag Capital of the Philippines” at ang Battle of Alapan. Ang dalawang sumisimbulo na ito ay matatagpuan sa Imus National Heritage Park.

Sa loob ng Imus Heritage Park ay makikita ang mataas na flagpole kung saan naroon ang ating Pambansang Watawat at malayang nakawagayway. Sa likod nito ay makikita ang evolution ng Philippine Flag.

Isa pa sa mahalagang nilalaman ng Imus Heritage Park ay ang simbulo ng “Battle of Alapan.” Ang labanan na ito ang naging daan ng deklarasyon ng Philippine Independence noong 1898 sa bayan ng Kawit.

Location: Alapan, Imus, Cavite

4. Felize Cafe

Ang Felize Café ay binuksan ngayong taon lamang. Kung titingnan niyo sa labas ay parang ordinaryo lamang dahil sa mataas na bakod sa bukana.

Pagpasok niyo sa lugar ay bubungad agad ang parking na mayroong green plant wall. Ilang hakbang lang mula sa parking ay naroon na ang café area na may makulay na disenyo.  Mayroon silang mga drinks, food, dessert at maraming pang iba.

Masarap umupo sa al fresco area nila dahil mayroong fountain at nakaka-relax ang halaman sa paligid.

Location: Daang Hari Road, Pasong Buaya II, Imus, Cavite

5. Casa Ladrillo

Sa kaparehong compound ng Felize Café ay naroon din ang Casa Ladrillo, isang event venue dito sa Imus.

Maluwag ang parking nito na hiwalay sa Felize Café. Mayroong lugar na maaaring gamitin para sa mga grand entrances ng isang event at nasilip din namin ang function rooms na iba-iba ang laki.

Dahil malaki ang compound, sa tingin namin puwede ring gamitin ang garden area sa may likod na puno ng halaman at pati ang right side na katabi lang ng Felize Cafe.

Location: Daang Hari Road, Pasong Buaya II, Imus, Cavite

6. Kurimi Milk Tea Bar

Catchy and inviting ang dating ng Kurimi Milk Tea Bar.  Sa panlabas na histura pa lamang ay na-curious na kami kung ano nga ba ang meron sa loob nito.

Ang Kurimi Milk Tea Bar sa Imus ay isa lamang sa maraming branches ng Bubble Tea Shops na ito. Black and white ang kanilang konsepto at makikita dito sa loob ang famous Manga series charater na si Naruto.

Masarap ang milk tea nila at bukod dito, maaalala namin ang mga staff na friendly at talagang welcoming.

Location: Gen. Topacio St., Imus, Cavite

Kung nais niyong makita ang hitsura ng City of Imus ngayon, maaari niyong panuorin ang aming feature sa Ang Pinoy Travel Experiences na matatagpuan sa Ang Pinoy Channel sa YouTube. Narito ang link: https://www.youtube.com/watch?v=AqIEFE1Efrw

Please don’t forget to share, like and subscribe to our YouTube Channel – Ang Pinoy Channel.


It will make our day if you share this post 😊