Hope – Para sa Pamilya
Jun 27, 2021 • 2 min Read
Bibihira ang naririnig natin na mayroon tayong kababayang lalaki na nagtatrabaho sa Hong Kong. Malimit nating makita o marinig ay ang ating mga kababayang babae na talaga namang mga bagong bayani, na nagsusumikap ng husto para sa pamilya.
Sa Father’s day episode ng Kamusta Ka, Kabayan ay kinamusta ng Ang Pinoy ang isa nating bagong bayani na kasalukuyang nagtatrabaho sa Hong Kong bilang Driver.
Si Mr. Hope Lomocso ay tubong Iloilo, may maayos, simple, at masayang pamilya bago sya tuluyang nagdesisyon na mangibang bansa. Sa maikling kuwento nya, nabanggit nya na ang isa niyang kapatid ang talagang nagtatrabaho sa Hong Kong. At dahil lumalaki na ang kanyang pamilya, humingi sya ng tulong sa kanyang kapatid at nagtanong ng posibleng oportunidad sa Hong Kong.
Hindi madali ang naging proseso at pag-aayos nya ng kanyang pag-alis para makapag-trabaho sa ibang bansa. Halos inabot din ito ng dalawang taon. Sa kuwento ni Mr. Hope, noong makausap na nya ang kanyang magiging boss, nabanggit nya sa kanyang sarili na “totoo na to, naka-Ingles na ako.”
Ang unang naging boss ni Mr. Hope ng dalawang taon ay Indian. Nabanggit niya na ito ang tumulong sa kanya para makakuha ng driver’s license sa Hong Kong at maisagawa nya ang kanyang trabaho na pagmamaneho. Tamang-tama lang daw ang sweldo nya, mas malaki ng kaunti sa nakukuha nya sa Pilipinas noong sya ay nandito pa.
Pagkatapos ng kanyang unang kontrata ay naghanap sya ng malilipatan at nakakuha naman sya agad. Kuwento nya, Chinese naman ang kanyang pangalawang boss. Tinanong naming kung kumusta naman sya, “Iyong amo ko ngayon ay mabait naman sila, ang gusto ko ngayon ay iyong lalaki ay westernized ang ugali nya ba, iyong babae ay medyo Chinese talaga ang culture. Masanay ka lang kasi. Tapos kung ano ang gusto nila, sundin mo lang. Huwag ng mag-ano para walang problema.”
Habang kausapin ng Ang Pinoy si Mr. Hope, mapapansin mo ang masayang personalidad nito at magandang disposisyon sa buhay. Simple at nasa realidad.
Dahil lumalaki na rin ang kanyang mga anak, tinanong namin sya ulit kung paano kapag sinabi ng kanyang mga anak na umuwi na sya at eto ang kanyang tugon, “Pag gusto nila na ganoon lang ang buhay, walang problema. Kasi pumunta lang ako dito para guminhawa ang buhay, makatikim din tayo ng hotdog or ano dyan, karne.”
Panuorin ang buong kuwento ni Mr. Hope sa episode ng aming kumustahan with Mr. Hope Lomosco at our YouTube Channel – Ang Pinoy Channel. Here is the link https://www.youtube.com/watch?v=by9siFMuKOI. Please don’t forget to like and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.