Balete, A Town by the Lake
Mar 13, 2022 • 6 min Read
Kapag nagkakaayaan pumunta sa isang lugar, malimit nating tinatanong kung maganda ba ang lugar, ano ang meron dito o kaya naman, mag-eenjoy ba tayo diyan?
Maraming bayan dito sa ating bansa ang undiscovered. Ilan sa mga posibleng dahilan nito ay hindi ito naririnig o wala silang alam na magandang pasyalan sa lugar na iyon. Minsan, maririnig mo ang tanong na, “Saan iyon or merong bang lugar na ganoon?”
Ang bayan ng Balete sa Lalawigan ng Batangas ay may classification na 5th class municipality at mayroong 13 Barangays. Napakalapit lang nito sa Taal Volcano at abot kamay ang Taal Lake. Sabi ng mga taga-rito, ang kanilang bayan ang may fastest route to Taal Volcano, pero sa kasalukuyan, hindi pa muli pupuwede mamasyal doon.
Bukod sa Taal Volcano, masarap din ang mga suman nila dito at maraming taglay na ganda ang Balete. Hinihintay lang madiskubre at mapasyalan ng ating mga kababayan.
Narito ang ilan sa mga personal naming nakita, hinangaan at napasyalan sa Bayan ng Balete.
1. Marian Orchard Pilgrimage Center
Ang Marian Ochard Pilgrimage Center ang isa sa pinakamalaking Marian Pilgrimage site na aming napuntahan. Pagpasok niyo pa lang ay makikita niyo na ang ginagawang malaking simbahan sa halos gitna ng lugar. Sa kanang bahagi naman ay naroon ang iba’t-ibang highlights ng Marian Orchard Center katulad ng Visitor’s Center, Arch of the Two Hearts, Apostles Row, Chimes of Mary, Chapel of the Sacred Heart, Sacred Heart Tower Plaza, Padre Pio, Center of Christ King.
Pag bumaba naman kayo sa may Garden steps na punong-puno ng mga bulaklak ay nasa dulo si Lady of the Orchard at sa mga sides ay doon niyo naman makikita ang Rosarium, Meditation Garden kung saan nakalagay ang Calgary, at marami pang iba.
Kapag naisipan niyo ng bumalik sa may harapan at nalibot niyo na ang buong lugar, mayroong sindihan din ng kandila na tinatawag na Hall of Petitions and Hall of Thanksgiving. Sa may bandang dulo pa ng lugar na ito ay makikita din ang Dome of Mary Mediatrix na puno ng bulaklak ang kapaligiran.
Sa may mga dala ng sasakyan, maaari kayong mag-park sa may kaliwang bahagi ng Marian Orchard Pilgrimage Center at may fee lang na Php50.00
Venue Entrance Fee: Php80.00
Facebook Page: Marian Orchard
Address: Leviste Highway, Barangay Malabanan, Balete, Batangas
Open to the Public: Fridays & Saturdays (For updated schedule, please check their FB page)
2. Villa Natura Taal
Kung kayo ay naghahanap ng isang private place for any celebration with your families, friends or even company meetings, then Villa Natura Taal is the best place for you. Noong makita namin ito ay napa-wow kami dahil sa maganda, maraming puno at maayos ang lugar. Mayroong malaking garden na puwedeng maglagay ng set-up for birthdays or weddings or even team buildings, may isang small relaxing area overlooking Taal Lake, isang malaking house with 3 bedrooms at may pool din to relax and enjoy the view.
Para sa mga kapamilya or guests na may mga sasakyan, mayroon silang parking area para dito.
Facebook Page: Villa Natura Taal
Address: Leviste Highway, Barangay Malabanan, Balete, Batangas
3. Lakeshore Resort
Isa ito sa sorpresang lugar na nakita namin sa bayan ng Balete. This is strategically located at the back of the Balete Municipal Hall. Malawak ang parking area, mayroong lugar for events – covered function hall, poolside o kaya naman garden type celebration.
Kung gusto niyo lang mag-relax at simpleng overnight stay lang ay puwede din. Mayroon silang ilang rooms, masarap ang food sa restaurant na halos katabi lang ng Taal Lake. Habang hinihintay niyo ang order niyo, puwede kayong sumaglit sa baybayin ng Taal Lake o kaya naman maupo lang at titigan ang ganda nito.
Puwede din mag team buildings o kaya simpleng camping lang dito at kung nanaisin niyo na magkaroon ng bonfire sa gabi, mayroon din silang lugar para dito.
Facebook Page: Lakeshore Resort and Spa
Address: Baragay Poblacion, Balete, Batangas
4. Cintai Coritos Garden Batangas
Kung naghahanap kayo ng Bali inspired na lugar ay eto ang para sa inyo. Ang Cintai Coritos Garden Resort Batangas ay mayroong 18 rooms for overnight stay, 2 pools, 1 restaurant, massage area, 2 function rooms, movie room and numerous gardens that can accommodate multiple celebrations in 1 day.
Napakaganda ng loob nito, bawat lugar ay may kuwento dahil na rin sa pagmamahal pamilyang nagmamay-ari nito. Ang kanilang restaurant ay tinatawag na Abadi na ang ibig daw sabihin ay “forever.”
Dito sa Cintai Coritos Garden ay may isang Balinese Gate na napakaganda ng pagkakagawa. Kuwento nila sa amin na bago ka dumaan dito, mabuting mag-wish ka muna dahil seguradong magkakatotoo daw. Hindi namin sinayang ang ganitong pagkakataon at nag-wish din kami.
Facebook Page: Cintai Coritos Garden Batangas
Address: Sitio Pandayan, Barangay Malabanan, Balete, Batangas
5. Balete Municipal Hall and Plaza
Sa sentro ng Balete ay makikita niyo agad ang Municipal Hall na halos katabi lang ang Plaza. Maganda ang Plaza dahil punong-puno ng halaman, malinis, may parking area, at abot tingin na rin ang Taal Lake.
6. Balete Baywalks
Mayroong dalawang baywalks ngayon dito sa Bayan ng Balete. Ang una ay malapit sa munisipyo at palengke na halos ay kita na mula sa Nuestra Señora Dela Paz Y Buen Viaje. Maiksi lang ito pero masarap mag muni-muni dito dahil sa Taal Lake at Taal Volcano view.
Ang isa pang Baywalk na madalas puntahan din ng mga bikers ay nasa barangay San Sebastian. Kuwento ng mga taga-roon, halos 1 kilometer din ang haba nito.
7. Nuestra Señora Dela Paz Y Buen Viaje Church
Sarado ang Nuestra Señora Dela Paz Y Buen Viaje ng kami ay pumunta sa Balete. Hindi man namin nakita ang loob nito pero kita mo sa labas ang kaayusan ng lugar, may parking area para sa mass goers, may malliit na Parish Office sa right side at pansin mo rin ang Mama Mary grotto sa may harapan.
Kapag papasok ka sa parking, kita mo na ang Taal Lake na napakaganda tingnan lalo na kung pa-sunset.
8. Papa Jeff’s Bistro
Ilang kilometro mula sa bayan ng Balete ay makikita niyo ang Papa Jeff’s Bistro. Ang special food talaga na pino-promote nila ay ang Chicken Inasal at native chicken ang sine-serve nila dahil mayroon silang sariling farm. Pero ang isa pang special food nila ay kanilang Lomi Batangas ay talaga namang napakasarap, at punong-puno ng sangkap ito. Isa ito sa best lomi na natikman namin sa Lalawigan ng Batangas.
Sa mga may sasakyan, puwede niyong iwaze ang Papa Jeff’s Bistro at huwag kayong magulat kung makita niyo na ang address nito ay Malvar, kasi malapit lang sya sa bayan na yun pero kasama pa talaga ito ng Balete.
Facebook Page: Papa Jeff’s Bistro
Address: Barangay San Isidro, Balete, Batangas
Para sa may mga dalang sasakyan, puwede kayong dumaan through National Highway pero mas ire-recommend namin sa inyo ang dumaan sa Expressway – SLEX and Star Tollway at mag-exit sa Lipa. Right turn mula sa Expressway at dere-derecho lang dahil after 5 to 10 minutes ay makikita niyo na ang signage na “Welcome to Balete.”
Kung kayo naman ay magko-commute, narito ang puwede niyong sakayan at kung saan kayo dapat bumaba:
A. Sumakay ng bus from Manila or Makati papuntang Batangas at bumaba sa Tambo or SM Lipa.
B. Sa SM Lipa, sumakay ulit ng jeep papuntang Levitown
C. Pagdating sa Levitown, may jeep na roon papunta sa Balete
Watch the beauty of Balete, A Town by the Lake at our Vlog in Youtube – Ang Pinoy Channel. Here’s the link: https://www.youtube.com/watch?v=PtC6xsotowM
Please don’t forget to share, like and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.