Ang Modus ng Dugo-Dugo

Nick Torre III in Tips and Advices

Sep 21, 20193 min Read

Paulit ulit na lang.  Di na natuto.  Ayan ka na naman.  Pili na lang kayo ng kanta na type nyo para maisalarawan ang mga modus ng panloloko na ginagamit ng mga kriminal.  Pero ang katotohanan, parepareho lang ang basic na modus kaso lagi pa ring nabebenta kahit na sinasabing kumita na yan!

Ang lagging tanong ng imbestigador, “Hindi nyo pa ba alam yan?”  Ang lagi naman nating naririnig na sagot e, “Alam ko po pero nakalimutan ko.”  So, para ma-remind tayo at hindi natin makalimutan, eto uli ang isa sa pinaka common na modus ng panloloko sa ngayon:  Ang Dugo-dugo.

Ang pangalang “Dugo-dugo” ay hango sa mga emergency na ginagamit ng mga kawatan kagaya ng aksidente at iba pang madugong pangyayari kaya ang tawag “na-dugo“.  Ito ay kadalasang ginagawa ng tatlo hanggang apat na kawatan ma may kanya kanyang ginaganapang papel sa modus ng panglilinlang. 

Ang target ng modus na ito ay ang mga pamilyang pareho nagtratrabaho ang mag-asawa kaya kadalasang wala sa bahay at ang kasambahay o katiwala lamang ang naiiwan.

Ang unang myembro ng sindikato ay ang kumukuha ng background ng pamilya.  Kadalasan ito ay nagpapanggap na myembro ng census kung kaya siya ay nagtatanong ng mga bagay bagay tungkol sa pamilya.  Pero maari rin nilang gamitin na cover ang relihiyon, NGOs, at marami pang ibang style pero iisa lang ang hangarin nila:  ang makakuha ng impormasyon ukol sa pamilyang kanilang tinatarget gaya ng mga pangalan, edad, trabaho, lugar ng kapanganakan, at mga kahintulad na bagay na pwede nilang gamitin sa pag papanggap na kakilala nila ang mga ito. 

Pag nakuha na ng mga kawatan ang impormasyong kanilang kailangan, dito na papasok ang pangalawang myembro na ang focus ay magpanggap na pulis o doctor. Ang pinaka focus ng papanggap ay paniwalain ang katiwala sa bahay na naaksidente si Mister o si Mrs. at nasa ospital at kailangan ng agad-agarang pera para magamot. Sya ang magbibigay ng instruction sa bibiktimahing kasambahay o sino mang katiwala sa bahay na kung saan kukunin ang pera, aling drawer ang sirain, or aling cabinet ang bubuksan.  Kung hawak na ng maid ang pera o mga alahas, itong kawatan din na ito ang magbibigay ng instruction sa kanya kung saan dadalhin ang pera at kung kanino iaabot ito. 

Noong panahon ng teleponong landline, kadalasan, magkaiba ang taong nagbibigay ng instruction at sa tatanggap ng pera. Pero ngayon sa panahon na ng cellphone, na pwede nang dalhin kahit saan, maaring ang tumatawag sa maid ay sya ring tatanggap ng pera.  Pag nakuha na ng mga kawatan ang pera o mga alahas, goodbye na at sila ay maglalaho nang parang bula.

Paano hindi mabiktima ng mga kawatan na ito:

Unang una, dapat na ang mga kasambahay o sino man na naiiwan sa bahay ay maturuan para maging aware sa modus na ito.  Kailangan ay may STEP BY STEP INSTRUCTIONS na ipagawa sa kanila kung may tumawag sa kanila na hindi kakilala.  Ang pinakamainam pa ay huwag nang payagan ang katiwala sa bahay na mag desisyon na aabot sa pag sira ng mga gamit o pag abot ng mga mahalagang bagay base lang sa tawag ng kung sino. Ang pinaka safe ay “Tawagan si Ate or Kuya kung may tanong or hindi naiintindihan ang mga katiwala sa bahay“. 


It will make our day if you share this post 😊