KUNG AKO IKAW: Mga Payo ni Manày
Iris Palma in Tips and Advices
Aug 12, 2020 • 2 min Read
Manày is the quintessential contemporary Tita with a heart of gold, a conscience of a nun (should that be ‘none?’), the drive of a teenager, and the language of one who has lived long enough to see both sides of the coin. Her words may hurt you, but they are expressed for your own good. Tough love and kindness are difficult to balance. So go ahead. Ask at your own risk.
***
Ang Padala | Uuwi ako sa Pilipinas. May gustong magpadala sa akin ng kung ano-ano. What do I do?
Sa siyam na taon ko sa labas ng bansa, ang pinakamalaki kong binitbit pauwi sa Pilipinas for a friend ay — wala!
Nang may nagpadala naman na friend of a friend palabas ng Pilipinas, I had to ask him to open the package para makita ko ang laman for my security at pagkatapos ay ireseal ang package sa harap ko for his peace of mind.
Aside from the above example, walang nagpapadala sa akin noon. The reason is that I set my boundaries. Hindi ako nagpapadala so wala silang rason to ask the same from me, unless sobrang kailangan nila and they have to ask kahit nahihiya sila. Rare na mga favors ito kaya pwedeng pagbigyan ng isang beses. O dalawa. Then stop na.
It becomes an issue when someone ask a relative dahil kahit feeling nila na may karapatan sila to make lambing sa ‘yo, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan mo sila. May investment ba sila sa ‘yo? Ha? Babayaran ba nila ang extra baggage mo? Or yung pagod mo sa pagbitbit ng padala nila? Paano ang delivery kung feeling reyna o hari ang recipient?
Accepting a padala for a friend or relative is a responsibility. It eats your time, your pagod, and your resources. Tapos ngingiti ka lang and say: Okay lang yun. Huwag maging plastic, please.
Pag ikaw ba ang hihingi ng favor sa kanila (friend or relative man yan), prepared ka ba na may marinig sa kanila? Kung pusong mamon ka, think twice.
So start being in control sa mga bagahe mo. Huwag mo nang akuin ang bagahe ng iba. Say NO to someone’s package.