Tipid Tips: Lemon

Tips and Advices

Jul 02, 20211 min Read

Hangga’t may mapiga, pigain! Yan ang ginawa ko sa lemon. Aba! Ang mahal kaya ng lemon. Pinakamura ay 50 pesos ang tatlong piraso, although may 15 pesos naman na nabibili pero malapit na itong manguluntoy.

I drink tea with lemon sa umaga, imbes na kape. Nasanay na dahil sa pandemya. Half ng lemon, piga, then kuskusin ang bits para isama sa hot tea, para wala masayang. Nakakapanghinayang kasi magtapon ng kalahati ng lemon kahit napiga na.

Minsan ay iniwan ko ang napigang lemon half sa lababo para lamukusin after maghugas ng plato. Mabango! Nag-iwan din ako sa banyo para pampabango ng kamay after magsabon.

Kaya lang, isang araw naubusan ako ng deodorant. E napatingin ako sa lemon sa lababo. Bagong lagay lang kasi nag-tea ako ng umaga. After maligo, ginamit ko sya na deodorant. Experiment lang. Nagulat ako kasi napabango nya ang kilikili ko, walang amoy for a day. Ayos!

One week na akong gumagamit ng lemon bilang deodorant. Ginagamit ko na rin syang pangkuskos sa siko at sa paa. Minsan sa arms naman. Hindi pa ako bumibili ng stick deodorant. Hindi naman ako namaho. Hindi amoy kilikili. Kakatuwa. Nakatipid ako.

Palagay ko kung wala na ako lemon, tsaka na ako bibili ng deodorant.


It will make our day if you share this post 😊