Tips for Starting a Business
Joseph Guerrero in Tips and Advices
Sep 06, 2019 • 2 min Read
Madalas ko ito marinig: “Ayoko nang magtrabaho. Gusto ko na LANG magnegosyo.”
Para sa isang empleyado or OFW na gustong maging entrepreneur at yumaman, let’s pick out some tips from Mike Kappel, CEO ng Patriot Software, which is an online payroll system focusing on small business with less than 100 employees. Kappel started Patriot noong 1986 sa isang basement sa factory sa United States and turned it into a multimillion dollar company. May iba na ring business startups si Kappel after developing the Patriot Software.
Eto ang ilan sa mga tips nya na makakarelate ang mga Pinoy:
Harapin ang excuses. Usually ang mga takot na magfail ay may sangkaterbang excuses or rason not to go ahead sa planong magbusiness. Harapin ang mga excuses na nagpapabagal sa pagbuo ng sariling negosyo. It ang unang step to conquer your fear and start a business.
Maging solution. Isipin kung paano maging solution ang business mo sa katanungan or need ng iba. Magfocus kung ano ang hinahanap ng future customer at punan yun. Wala raw silang time bumili ng damit? Ayaw ng crowd? Let your business be that of a stylist. Hanapin ang Stylist in Pocket sa Facebook. They found a solution.
Maglista ng gastusin. Every gastos counts. Perhaps ito ang isa sa pinakamahirap na parte ng pagninegosyo. Nagcompute ka ba kung magkano ang magagastos mo bago simulan ang business? Hindi lang ang downpayment sa stall ang gastos. Mag-aayos ka pa. May bibilhin ka pa na gamit. Simula pa lang yan. Wag manawa. Marami pa ang gagastusan mo. Dapat aware ka at ang financier mo sa kakaharapin na gastusin.
Alamin ang mga requirements. Of course, sa legal tayo. Kanino ba ipangalan ang business? Punta na sa barangay para kumuha ng license. Every year nirirenew ang license, not when you just feel like renewing it.
Ibalanse ang passion at wisdom. Kailangan mo ng passion para magsucceed sa business mo. Pero palaging mag-isip gamit ang ulo. Ibalanse ang damdamin at isip.
In conclusion, alamin ang arrangements. Baka naisip mo na makipartner with a friend to start the business. Sino ang magkakapital? Paano ba ang hatian? Gawing klaro ang usapan and put it down in writing para walang matalo in the end.
May good fortune smile on you!
***
Source: www.forbes.com