Travel Tips for Biyaheros and Biyaheras
Dec 03, 2021 • 2 min Read
Bukas na ang pagbiyahe muli dito sa atin. Kanya-kanyang plano kung saan puwedeng pumunta lalo na marami sa atin ang hindi lumabas ng halos dalawang taon.
Ngayong pandemic, ibang-iba na ang kailangang ihanda ng bawat isa lalo na may mga alituntunin na dapat sundin sa bawat lugar.
Bago bumiyahe, importante na maghanda at ihanda ang mga kakailanganin bagay bago umalis ng bahay. Bukod sa panggastos, eto ngayon ang mga pratical tips sa biyaheros at biyaheras na kailangan seguradudin handa sa lahat ng oras.
- Area requirements
Bago umalis ng bahay, seguraduhin na basahin at ihanda ang requirements ng lugar na pupuntahan. Ngayong pandemic, lahat halos ng local government units at mga hotels or resorts ay naglalagay sa kanilang website or social media pages kung ano ang mga kailangang ihandang requirements ng mga guests na pupunta sa lugar nila.
- Vaccination Card
Ang vaccination card ay napaka-importanteng document na kailangan dalhin sa pag-biyahe ngayon. Halos lahat ng establishments ngayon, bago ka payahagang pumasok ay kailangan ipakita ang inyong vaccination card.
Para hindi magusot or masira, puwede niyong ipa-laminate o kaya bilhan ng maliit na envelope ang inyong vaccination card.
- Vaccination Certificate
Para mas maingatan ang inyong Vaccination card, puwede rin kayo kumuha ng vaccination certificate through the website of DOH – Vaxcert.doh.gov.ph. Kailangan lang ihanda ang mga detayle katulad ng vaccination dates, lugar kung saan kayo binakunahan, birthday at brand ng inyong vaccine. Kung walang problema, mabilis ito at kailangan nyo lang iprint para madala niyo sa bawat lugar na pupuntahan niyo.
Kung ang inyong detalye ay hindi pa registered sa DOH, hihingan kayo ng kopya ng inyong vaccination card at government ID na kailangan i-upload sa website nila para ma-check at mabigyan kayo ng vaccination certificate. Sa pagkakataon na ito, kailangan niyo maghintay ng feedback for at least 5 days.
- Safety Essentials
Kung dati, personal care products lang ang inaasikaso natin, ngayon ay dapat madala na rin ang safety essentials. Importante na laging nasa bag or bulsa natin ang alcohol o kaya ay sanitizer, kasama na rin ang liquid hand soap.
Seguraduhin na ang alcohol ay mayroon at least 70% solution for protection. Sa liquid hand soap naman, make sure na nakalagay ang anti-bacterial at pumapatay ng germs. At siyempre, seguraduhin na mayroon kayong face mask na laging suot at extra pa.
- Health Essential Kit
Sa panahon ngayon, bawal magkasakit – iyan ang dapat tandaan kasi totoo ang kasabihan na “health is wealth.”
Para makaiwas sa sakit, huwag kalimutan ang health essential kit na puwedeng maglaman ng vitamin C, multivitamins at iba pang klase ng vitamins na makakatulong sa ating kalusugan.
Basta lagi nating tandaan, masarap bumiyahe, pero kailangan at importante din nating mapanatili natin ang kaligtasan ng bawat isa.
Stay safe and enjoy life!