Adventure ng mga Tita sa Parawagan, Rodriguez
Iris Palma in Travel
Feb 10, 2021 • 2 min Read
Nalulungkot ka ba? Bored sa bahay? Walang magawa? Laging nakaupo?
Tara, akyat tayo sa Parawagan!
Let’s go to Wawa ng mga bandang alas singko y medya ng umaga para maabutan natin ang sunrise. Beinte pesos bawat tao ang bayad sa traysikel papuntang Wawa, part ito ng Pamitinan Protected Lanscape ng Rodriguez, na mas kilala sa pangalang Montalban. Monte Alba kasi yan sabi ng mga Espanyol sa references na mababasa natin. Marami ang rason: makapal ang fog sa umaga at binabalot nito ang mga bundok. Sa gitna ng mga bundok, tatakbo at makikilaro ang fog at halos puti ang paligid, lalo na pag malamig ang panahon. Isang rason din siguro ay ang mga mapuputing bato sa ilog. Pwede ring may white lady sa Wawa. Naalala ko tuloy ang iniirog ng higanteng Bernardo Carpio. Sya yung sikat na myth sa Wawa. May footprints pa nga sya sa isang malaking bato sa Wawa.
Para makapunta, kakanan tayo sa ilalim ng arko na may nakasulat na “Pamitinan Protected Lanscape.” Sabi sa google, mga 5.6 kilometro papunta sa summit ng Parawagan. Kung chill walk lang naman ang mga Tita hanggang sa midpoint, mga 2.8 kilometro ang nilakad. Pero hindi ito patag na lakaran, may paahon at patag at paahon at paahon ulit hanggang hingalin ka bago pa man makarating sa midpoint.
Pagdating sa midpoint/pitstop ay may isang malaking puno ng acacia. Dati walang tindahan dito noong hindi pa sikat ang Parawagan sa mga bikers. Pero ngayon ay may tindahan na ni Jimmy. Buko, suman, soda, dami food sa tindahan.
Doon namin nakilala si Joseph na may manmade spring resort sa bandang baba ng Parawagan. Dahil adventurous kami, sumunod ang mga Tita. Pababa, pababa, at pababa pa more ang nilakad naming hanggang narating namin ang paraiso!
Kilala ang resort sa mga bikers. Singkuwenta pesos lang ang entrance, trenta pesos ang buko, at walang kapantay na halaga ang paraiso na pool. Bale naglatag sila ng pool na may taas na 4 feet at 5 feet sa daanan ng bukal. Flowing ang tubig at napakalamig. Halos sinlamig at singlinaw ng tubig sa Bato Spring sa Laguna.
Kontento na kami na makita ang pool at makipagtsika kay Joseph. “Babalik ako,” yan ang promise ko sa sarili ko. Bumalik nga ako para maligo. At babalik ulit ako para maligo sa paraiso sa gitna ng Parawagan.
Paano pumunta sa at umuwi mula Parawagan:
- Mula Cubao or Litex, sumakay ng van or jeep at bumaba sa Luvers.
- Sumakay sa pa-Wawa na tricycle. Bente pesos lang.
- Pauwi, sumakay sa mga jeep na byaheng Bukid. Bumaba sa bayan. Trese pesos hanggang bungad highway.
Nice!!
Very entertaining