Ang Natatanging Bayan ng Nagcarlan

Travel

May 14, 20224 min Read

Sa mga malimit bumiyahe, alam niyo na ang pakiramdam kung mayroong kakaiba sa lugar. Unang tingin at tapak pa lang, iba na ang nabibigay na ligaya nito sa mga biyahero at byahera.

Ang bayan ng Nagcarlan ay isang second class municipality sa lalawigan ng Laguna. Noong una namin itong napuntahan, pinahanga na agad kami nito. Pakiramdam namin, ang bayan na ito ay maaaring tawagin na Tagaytay in Laguna dahil sa kanyang malamig na klema.

Mayaman sa kasaysayan at may angking natural na ganda ang bayan na ito. Kaya naman, narito ang ilan sa mga lugar na maaari niyong puntahan sa bayan ng Nagcarlan.

1. Underground Cemetery

Ang Underground Cemetery ay nag-iisa lang sa Pilipinas at tunay na makaysayan. Itinayo ito noong 1851 sa pangunguna na Father Vicente Velloc, isang Francisan Missionary. Ang lugar din na ito ang siyang sinasabi kung saan plinano ang historic na “Biak na Bato Pact” nina Pedro Paterno at General Severino Taino noong 1897.

Sa ngayon ay wala na ditong nililibing pa at bukas ang lugar na ito para sa mga nais itong mapasyalan.

Ang Underground Cemetery ay isang National Historical Landmark at currently supervised by the National Historical Commission of the Philippines.

Location: Barangay Bambang, Nagcarlan, Laguna

Entrance Fee: FREE

2. San Bartolome Apostol Parish Church

Marami sa atin ang nakapanuod ng teleseryeng, Kampañerang Kuba nina Vilma Santos at Anne Curtis. Kung ikaw ay isa doon, nakita mo na ang mapaghimalang simbahan ng San Bartolome Apostol Parish Church.

Itinayo ito noong 1583, kasabay ng pagkatalaga sa Nagcarlan bilang isang bayan. Ang simbahan na ito ay dedicated kay St. Bartolomew na kilala dito dahil na rin sa pinagkakaloob nitong “Miraculous healing” kasama si San Diego de Alcala.

Location: Banahaw Street, Nagcarlan, Laguna

Facebook: Parokya ni San Bartolome Apostol – Nagcarlan, Laguna

3. Nagcarlan Municipal Hall

Kung kayo ay nasa Nagcarlan na, mas mabuting daanan niyo na rin ang Nagcarlan Municipal Hall. Sa lugar na ito ay makikita niyo ang lugar na nagbibigay halaga sa kuwentong alamat na pinagmulan ng Nagcarlan.

Ang lugar na ito ay ilang metro lang ang layo sa kinatatayuan ng Underground Cemetary.

Location: Rizal Road, Nagcarlan, Laguna

4. Camp Yambo

Mula sa bayan, ilang minuto din ang babyahiin niyo bago makarating sa Camp Yambo.  Tropical ang theme ng lugar na ito, maaliwalas, malinis, maayos ang serbisyo at masarap din ang pagkain.

Dahil dinarayo ang lugar na ito, nire-rekomenda namin na mag-book kayo in advance through Facebook para maseguradong makakakuha kayo ng mesa at upuan.

Location: Sito Yambo, Barangay Sulsugin, Nagcarlan, Laguna

Facebook: Camp Yambo

5. Yambo Lake

Papasok pa lang kami sa lugar na ito, wow na agad ang nasambit namin.

Ang Yambo Lake is a must visit place if you’re in Nagcarlan. Green na green ang lake, malinis ang kapaligiran, at mayroong mga cabanas na puwedeng rentahan para mga taong gusto magtagal ng kaunti.

Puwede rin kayo mag-tent o set-up ng picnic area habang ang mga kasama niyo ay namamangka o naliligo sa lake.

Location: Yambo Lake, Nagcarlan, Laguna

Entrance Fee: Php20.00 per head

6. Bunga Falls

Ang Bunga Falls ay isa sa mga kilalang-kilalang attraction sa Nagcarlan. Mula sa highway, mga ilang minuto din ang bibiyahiin niyo bago makita ang falls. Maaari kayong magdala ng sasakyan o kaya ay sumakay ng tricycle.

Pagdating sa lugar, ramdam mo ang lakas ng bagsak ng tubig mula sa taas. Maaari kayong maligo o kaya naman ay magmasid lang. Sa lugar mismo ng Bunga Falls ay mayroong mga ginagawang cabanas na maaaring rentahan ng mga guests.

Location: Barangay Bunga, Nagcarlan, Laguna

Entrance fee: Php35.00 per head

7. Kookoo’s Farm and Garden Resort

Nag-umpisa ang Kookoo’s Farm and Garden Resort bilang pahingahan ng isang pamilya. Pagkatapos ng ilang buwan, nakita nila ang oportunidad na buksan ito sa publiko.

Ang Kookoo’s Farm and Garden Resort ay isang family-owned business na may kasalukuyang lugar para sa private events at ang isa naman ay bukas sa publiko. Maaari niyong ienjoy ang kanilang pool at puwede rin kayo mag-overnight.

Location: Barangay Banilad, Nagcarlan, Laguna

Entrance Fee: Php300 per head

Facebook: Kookoo’s Farm and Garden Resort

8. Landing Point

Ang Landing Point sa Nagcarlan ay ang isa sa seguradong babalik-balikan namin. Maganda ang lugar na ito, chill lang ang vibe.

Maraming gulayan, maganda ang view at puwede kayong mag set-up ng tent o kahit picnic vibe lang.

Kung mahilig ka sa nature, segurado kaming mae-enjoy niyo ang Landing Point.

Location: Barangay Abo, Nagcarlan, Laguna

Entrance Fee: FREE

Natatangi ang bayan ng Nagcarlan. Sana ay mas maging masikap pa ang lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa mga turista na nagnanais masilayan ang kakaibang ganda ng Nagcarlan.

Please watch our feature on Nagcarlan at our YouTube – Ang Pinoy Channel. Please click the link, https://www.youtube.com/watch?v=31c5EYB3HVU

Don’t forget to share, like and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.


It will make our day if you share this post 😊