Ang Pinoy Travel Experiences
Jul 23, 2022 • 2 min Read
Pangarap ng Ang Pinoy na mailapit sainyo ang ating bayan sa pamamagitan ng mga iba’t-ibang lugar at tanawin dito saatin.
Sa una pa lang, ang gusto naming maipaabot ay “Sa Biyaya ng Dios, gagawin namin na Ang Pinoy ay makakatugon sa kailangang impormasyon ng kababayan natin na nasa ibang bansa at sa mga dayuhan na nagnanais magkaron ng ideya kung ano ang pwede nilang gawin pag sila ay bumisita sa ating bansa.”
Noong 2020, innumpisahan naming ipakita sa inyong lahat ang ganda ng ating bansang Pilipinas. Pagkatapos ng isang lugar, tumigil kami dahil sa pangamba na dulot ng pandemic at tumuloy muli noong last quarter of 2021.
Sa aming pagbisita sa iba’t-ibang bayan at siyudad, nais naming maipakita ang ganda ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga bayan at siyudad – mula sa mga tourist spots, kultura ng lugar, historical areas, ipinagmamalaking produkto o kaya ay ang OTOP (One Town, One Product), mga pagkain na maaaring matikman, sistema, best practices kung mayroon ang local na pamahalaan na isinagawa para sa mga mamamayan, mga commercial establishments, at marami pang iba.
Layon namin na ang ating mga kababayang manunuod ay magkaroon ng idea kung ano ang meron sa isang lugar kung balak nilang mamasyal, mag-invest sa lugar na yun o kaya ay magnegosyo.
Mga kababayan, ngayon po ay napasyalan na namin ang 22 bayan at syudad, at 2 tourist spots sa Bicol. Kami po ay humihingi sa inyo ng suporta upang maipagpatuloy namin ang aming pangarap na maipakita sa inyong lahat ang ganda ng Pilipinas.
Ang aming paglilibot ay pagbisita sa iba’t-ibang lugar ay napapanuod sa aming YouTube Channel – Ang Pinoy Channel. Nawa po ay suportahan niyo kami by subscribing to our channel, watching and sharing it.
Narito po ang link ng Ang Pinoy Channel: Https://www.youtube.com/c/AngPinoyChannel
Lagi po naming sinasabi na, mahalin natin ang ating bansang Pilipinas, support local at pangalagaan natin ang ating. Kung mayroon po kayong recommendation or nais niyong puntahan namin, mag-message lang po kayo sa amin at susubukan po naming mapuntahan ang ninanais nyong lugar.
Maraming salamat sa inyong lahat.