Ang Tagong Ganda ng Bayan ng Liliw
May 29, 2022 • 4 min Read
Ang bayan ng Liliw ay kilalang-kilala as “Footwear Capital of the Philippines.” Iba ang tunog ng pangalang Liliw sa mga mahihilig mag-negosyo o mamili ng mga tsinelas.
Bukod sa tsinelas, ang Liliw ay sikat din dahil sa mga ilog or resorts na puwedeng puntahan. Ngunit, marami siguro ang hindi nakakaalam na ang lugar ng Liliw ay nasa paanan lamang ng famous na Mt. Banahaw kaya naman may mga lugar dito na napakalamig ng klima. Kapag nilibot niyo ang buong bayan, makikita niyo ang tagong ganda ng Liliw.
Narito ang ilan sa mga mga ‘must go to’ na lugar sa Liliw;
1. Gat Tayaw Street
Ang lugar na ito ang laging first destination ng mga taong namamasyal sa Liliw. Sa Gat Tayaw Street ay makikita niyo ang mga tindahan ng tsinelas, sandals, shoes, at iba pa. Iba-iba ang mga styles na available at normally, ang presyo ay abot kaya.
Dito rin sa street na ito natutuloy ang mga business ventures dahil sa mga gustong mag-umpisa ng footwear business, maaari niyo ng kausapin ang mga may-ari ng stores para sa naiisip niyong negosyo.
Kung kayo ay may dalang sasakyan, tandan na ang lugar na ito ay one-way at puwede lamang mag-park sa left side.
Address: Gat Tayaw Street, Barangay Pag-asa, Liliw, Laguna
2. St. John the Baptist Parish Church
Ang St. John the Baptist o kilala din bilang LIliw Church or Lilio Church ay isa sa mga pinakamagandang simbahan na napuntahan namin. Agaw-pansin ang red bricked design ng façade at baroque style architecture na nagbibigay ng kakaibang imahe sa simbahan na ito.
Sa labas ng simbahan, makikita niyo sa gitna ang imahe ni Sacred Heart of Jesus at nakapalibot naman sa parking area ang mga white statues ng iba’t-ibang mga santo na nagre-represent ng mga barangays na mayroon dito sa Liliw.
Kapag pumasok kayo sa loob ay seguradong mamamangha kayo sa altar na mayroong 13 saints na nakapaloob sa apat na palapag na nagsisilbing bahay ng mga ito.
Address: 9th Street cor Gat Tayaw and Mabini Streets, Barangay Pag-asa, Liliw, Laguna
Facebook: St. John the Baptist Parish Liliw, Laguna
3. Caffè Lilio Ristorante
Sa gitna ng Gat Tayaw Street ay makikita niyo ang Caffè Lilio, isang Italian-Spanish restaurant na cozy ang dating.
Kapag pumasok kayo sa loob ay mae-enjoy niyo ang music na nagpapakalma habang namimili kayo ng order. Malinis, maayos, at attentive ang mga restaurant staff nila dito.
Kung gusto niyo naman ng al fresco at kasama na ang people watching, maaari kayong mag-stay sa labas at mag-enjoy lang.
Address: Gat Tayaw Street, Barangay Pag-asa, Liliw, Laguna
Facebook: Caffè Lilio Ristorante
4. White House Bistro 1938
Kapag kayo ay naglalakad along Gat Tayaw Street, sigurado kaming hindi niyo makakaligtaan ang agaw-pansin na hitsura ng restaurant na ito, ang White House Bistro.
Maganda ang loob ng restaurant at malinis. Sigurado kaming mae-enjoy niyo rin ang kanilang pagkain dahil halos Filipino dishes ang kanilang inihahain.
Address: Gat Tayaw Street, Barangay Pag-asa, Liliw, Laguna
Facebook: White House Bistro 1938
5. The Rustic Bistro
Kung naghahanap kayo ng chillax na lugar, malamig ang ihip ng hangin at mayroong magandang tanawin, hindi niyo dapat palagpasin ang Rustic Bistro.
Sa mga mahihilig sa nature, sigurado kaming magugustuahn niyo ito. May mga ilang minuto ang kailangan lakarin mula sa parking area, pero sulit naman kapag nakarating na kayo sa restaurant mismo.
Masarap ang food from soup, salad at tender and juicy carabeef steak nila. Very friendly ang restaurant personnel at talagang asikaso ang mga guest.
Address: Barangay Kilangin Falls Road, Liliw, Laguna
Facebook: The Rustic Bistro
6. Esmeris Coconut Farm|Daang-Hari Campgrounds
Close to nature ang unang description na sumasagi sa isip namin kapag pinag-uusapan ang Esmeris Farm.
Mula sa parking area, kailangan maglakad ng 400 to 500 meters bago niyo marating ang Esmeris Farm. Pag dating niyo sa lugar mismo, puwede na kayong huminga at namnamin ang ganda ng lugar.
Sariwa ang hangin, masarap ang fresh buko juice at puwede kayong magpa-picture kahit saang sulok ng farm. Puwede kayong mag-overnight dito o kaya naman ay mag-team building.
Address: Barangay Ilayang San Roque, Liliw, Laguna
Facebook: Esmeris Farm | Daang-hari Campgrounds
Entrance Fee: Php50/head
Our feature on Liliw is still up on our YouTube – Ang Pinoy Channel. Here’s the link https://www.youtube.com/watch?v=6HFI-2Bm5zI
Please don’t forget to share, like, and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.