Baguio City – Summer Capital of the Philippines
Jun 04, 2022 • 5 min Read
Ang Baguio City ay kilala bilang Summer Capital of the Philippines. Ito ay nananatiling paborito ng karamihan sa ating mga Pinoy.
Noong nag-umpisa ang pandemic, mas mahirap para sa nakakarami ang bumiyahe dahil na rin sa mga safety protocols at syempre kailangan mag-ingat. Ang pamahalaan ng Baguio City mismo ay nag-implement ng mga safety health requirements na kailangan ihanda bago pwedeng magbakasyon or dumalaw sa kanilang lalawigan.
Pero ngayon simple na lang ang kailangang gawin bago umakyat ng baguio.
– Dapat vaccinated at ihanda ang copy ng inyong vaccination card
– Kailangan handa na ang inyong accommodation bago kayo pumunta ng Baguio City dahil ilalagay ito sa form. Ang isa sa maga-approve ng inyong pagbakasyon sa Baguio City ay ang inyong tutuluyan.
– Bumisita sa website ng Baguio City for visitors – www.visita.baguio.gov.ph
– Hintayin ang approval at seguraduhin na may kopya kayo ng Baguio City QR code
Dahil ang TPLEX (Tarlac Pangasinan La Union Expressway) ngayon ay bukas na hanggang Rosario, mas pinaikli na ang travel time. From Manila, maaari na kayong makarating sa Baguio in just four hours.
Kaya naman, narito ang ilan sa mga maaaring bisitahin para kainan at pasyalan sa Baguio City.
1. Burnham Park
Ang Burnham Park ang mananatili segurong paborito ng karamihan. Dito ay maaari kayong mag-bike, maglakad-lakad lang para ma-enjoy ang sarap ng simoy ng hangin o kaya ay maupo lang para mag-people watching.
Malaki ang pinagbago ng Burnham Park dahil napakalinis na nito, may mga bagong garden na nadagdag. May lugar na rin ngayon ang bilihan ng mga bulaklak na alam mong pinapahalagahan dahil parte ito ng attraction dito.
Para sa may mga kasamang bata, mas pinadami na ngayon ang amenities para sa lugar ng mga bata. Syempre, naroon pa rin ang boat ride at ngayon ay mas kaaya-aya na ito at seguradong mage-enjoy ang lahat.
Bukas sa lahat ang Burnham Park at walang entrance fee. Pero para sa boat ride rental, ang presyo ay between Php150 to Php200.00.
Address: Jose Abad Santos Drive, Baguio City, Benguet
2. Baguio Botanical Garden
Isa sa mga gumulat sa amin ay ang lugar ng Botanical Park. Napakalaki ng ginanda nito na maaari na nating ihambing sa mga parks na nakikita sa abroad.
Sa entrance pa lang ay makikita niyo na ang pinagbago nito. May iba’t-ibang sections na mayroon sa look katulad ng Cordileera Village, Mini San Francisco Bridge, Orchidarium, Cactus area, Sunflower area, Souvenir shops at marami pang iba.
Mismong sa gitna ng garden ay mayroong mini coffee truck para sa gustong magkape at magpahinga sandali.
Hindi pa rin nawawala ang pagkakataon na magpapicture sa ating mga kababayang katutubo kasi maaari pa rin itong mangyari doon sa may Cordillera Village.
Entrance Fee: Php10.00 for adults | Php5.00 for kids
Address: Leonard Wood Drive, Baguio City, Benguet
3. Sizzling Plate
Para sa mga laging nagbabakasyon sa Baguio City, kilalang-kilala nila seguro ang Sizzling Plate. Dito, maaari kayong kumain ng steak sa abot-kayang halaga. Steak kasama ang free soup, few slices of potato, java rice at syempre ang kanilang steak sauce.
Ang malimit puntahan ng mga bakasyonista ay ang kanilang branch sa may Session Road. Bukod dito, mayroon pa silang branches sa may Abanao Road, SM City Baguio, at Leonard Wood Road na sa tingin namin ay ang pinakamalaki. Halos lahat ng kanilang branches ay punong-puno pag lunch time.
Facebook: Sizzling Plate
4. Arca’s Yard
Ang Arca’s Yard ay maaari nating masabing isang restaurant at mini-museum. Para sa mga mahilig sa artwork, segurado kaming magugustuhan nila ang lugar na ito.
Pagpasok mo pa lang sa luagr, iba na ang vibe na binibigay nito. Medyo kakaiba ang set-up sa loob dahil na rin seguro sa mga art pieces na makikita niyo sa wall, estante at kahit sa floor. Marami rin silang mga books na naka-display na maaaring basahin pero dahil pandemic ngayon, hindi muna puwedeng galawin.
Kilala ang Arca’s Yard sa kanilang camote pie o carrot pie so seguraduhin niyong mag-order nito.
Address: 777 Tiptop, Ambuklao Road, Banguio City, Benguet
Facebook: Arca’s Yard Baguio
5. O’ Mai Khan
Oh my, eat all you can of Mongolian food. Kung nais niyong kumain ng Mongolian food, highly recommended ang O’ Mai Khan na 35 years na sa ganitong negosyo.
Dahil Mongolian, maaari kayong pumili ng meat na gusto niyo isama, vegetables at seasoning. Bukod sa Mongolian food, puwede niyo itry ang kanilang ibang dishes at strawberry drink.
Malaki ang kanilang building na ilang metro lang ang layo sa SM City Baguio at mayroon din silang parkinga rea.
Address: Upper Session Road, Baguio City, Benguet
Facebook: O’ Mai Khan Restaurant est. 1987
6. St. Joseph the Worker Parish Church – Pacdal
Ang St. Joseph the Worker Parish Church – Pacdal ay isa mga ‘must visit’ place namin kapag kami ay nasa Baguio City. Napakatahimik dito at talagang very solemn.
Maganda, maayos at malinis ang buong lugar. May parking para sa mga magsisimba o kaya magdadasal lang. Mayroon din silang Blessed Sacrament sa may right side ng simbahan.
Ang isang mapapansin niyo sa simbahan na ito ay ang ganda ng altar na made of wood, lutang na lutang talaga ito. At syempre, dahil tahimik, napakasarap magdasal.
Dito sa St. Joseph the Worker Parish Church – Pacdal kinasal sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Address: Leonard Wood Road, Baguio City, Benguet
Facebook: St. Joseph the Worker Parish – Pacdal
7. Pink Sisters’ Convent and Chapel
Isa sa mga talagang binibisita rin dito sa Baguio City ay ang Pink Sisters’ Convent and Chapel.
Laging puno ang lugar dahil na rin sa dami ng taong bumibisita sa lugar para magdasal, magsulat din ng kanilang mga kahilingan at hingin ang tulong ng mga Pink Sisters’ para maisama ito sa kanilang pagdarasal.
Address: Brent Road, Baguio City, Benguet
Facebook: Pink Sister
Para magkaroon kayo ng idea kung ano na ang hitsura ng Baguio City ngayon, please watch our feature on Baguio City – Summer Capital of the Philippines at our YouTube – Ang Pinoy Channel. Here’s the link: https://www.youtube.com/watch?v=kNEiLMmzZtg
Please don’t forget to like, share and subscribe to our youtube channel, Ang Pinoy Channel. Mahalin natin ang ating bansang Pilipinas, support local at alagaan natin ang kalikasan.