City of Las Piñas, Our Home
Jul 31, 2022 • 4 min Read
Maraming pagkakakilanlan sa City of Las Piñas. Nariyan na ang Cleanest and Greenest City in Metro Manila, lugar ng famous bamboo organ at minsan, naiisip din ang bigat ng daloy ng trapiko sa Alabang-Zapote Road area.
Ang City of Las Piñas ay isang highly urbanized and first-class city sa National Capital Region. Malaki ang naging parte nito sa kasaysayan dahil minsan na itong naging major war theater noong 1896 Philippine Revolution dahil sa pananakop ng grupo ni Gen. Emilio Aguinaldo.
Maunlad ang City of Las Piñas. Maraming commercial establishments dito, villages, schools, hospitals, companies at iba pa. Pero, para sa mga taga Las Piñas, eto ang kanilang “Our Home.”
Pinasyalan namin ito at narito ang ilan sa mga puwede niyong bisitahin.
1. St. Joseph Parish / Bamboo Organ
Isa sa mga pagkakakilanlan sa City of Las Piñas ay dahil sa famous Bamboo Organ na makikita sa loob ng St. Joseph Parish.
Ilang beses na rin kaming nakarating sa lugar na ito pero sa totoo lang iba ang pakiramdam kapag narinig niyo ang napagandang tunog ng bamboo organ. Buong-buo pa rin ito. Nakakabilib din ang kabuoan ng simbahan, hindi ito ganoon kalaki pero maganda ang bamboo ceiling, ang mga Capiz lamps na naka-hang at syempre ang altar.
Pag lumabas ka naman, makikita niyo sa side ang Museum kung saan nakadisplay ang isa sa pinakalumang big bell sa Pilipinas na may encryption tungkol sa pinagmulan ng Las Piñas kasama ang pangalan ng unang pari ng lugar na si Padre Diego Cera.
Address: 1742 Quirino Avenue, Las Piñas City
2. Las Pinas Nursery and Botanical Garden
Isa sa mga naging paborito namin sa pamamasyal sa City of Las Piñas ay ang kanilang Las Piñas Nursery and Botanical Garden.
Hindi ganoon kalaki ang lugar pero punong-puno ito ng mga halaman kasama na ang mga gulay na may bunga pa. Visitor friendly ang area dahil na madaling libutin at sa loob ng dalawang nurseries na nakita namin, may plant tags na nagpapakita nga ibang detalye tungkol sa tanim na yaon.
Address: Alabang-Zapote Road, Las Piñas City
3. Mary Immaculate Parish / San Lorenzo de Manila Chapel
Nature Church, eto ang isang pangalan na itinawag sa Mary Immaculate Parish kung saan nakapaloob din ang San Lorenzo de Manila Chapel.
Napakaganda ng Church at mararamdaman niyo ang solemito sa kahit anong sulok sa lugar. Napakaraming puno at halaman, at dito ay mapapabilib ka talaga kung paano ang buong lugar ay plinano at naisakatuparan nina Father Pierino Rogliardi at ng kilalang architect na si Francisco Mañosa.
Address: Apolo III, Moonwalk Village, Talon V, Las Piñas City
4. Tablo X Kitchen Cafe
Ang Tablo X Kitchen Café ay puno ng character, mula sa may reception area hanggang sa makarating kayo sa inyong assigned table. Maraming makikita sa loob na sa tingin namin ay may istorya.
Sa Tablo X Kitchen Cafe, mix food ang makikita niyo sa kanila menu, pero ang naalala namin ay ang sarap ng timpla ng kanilang salad. Segurado din kami na masisiyahan kayo sa service sa lugar na ito dahil very attentive ang mga staff sa needs ng customers.
Address: Abel Nosce Cor. BF Resort Drive, BF Resort Village, Las Piñas City
5. Cup of Joy
Habang nag-iikot kami sa lugar na ito, we were struck by the name of this cafe.
Ang Cup of Joy ay masaya ang vibe, mula sa pangalan hanggang sa makikita sa loob ng cafe. Maganda ang epekto ng pastel colors na nakapaloob dito. Aagaw din ng attention sa inyo ang yellow chairs, floral wall painting at ang vible verse na nakatala sa wall.
Address: BF Resort Drive, BF Resort Village, Las Piñas City
6. Kaijo Steaks and Ramen
Kung naghahanap kayo ng ramen sa City of Las Piñas, lalabas ang Kaijo Steaks and Ramen sa google at maganda ang mga reviews.
Pagpasok niyo pa lang sa lugar, babatiin ka ng magandang painting sa wall kung saan naroon ang cherry blossom. Hindi masyadong matagal ang preparations ng food. Maliit lang ang restaurant na ito pero malinis ang lugar, maganda ang service at masarap ang food.
Address: 41 Gloria Diaz Street, BF Resort Village, Las Piñas City
Para makita niyo ang aming mga binabanggit, puwede niyong mapanuod ang feature namin sa City of Las Piñas sa YouTube – Ang Pinoy Channel. Here’s the link: https://www.youtube.com/watch?v=rzvBqAyWsCI
Please support us by sharing, liking, and subscribing to our channel, Ang Pinoy Channel.