Indang – Makasaysayan at Bayan ng Agri-Turismo

Travel

Nov 06, 20212 min Read

Weekend na naman at marami sa ating mga kababayang taga-Metro Manila ang naghahanap ng puwedeng puntahan na malapit, makabuluhan at seguradong masusulit ang kanilang biyahe.

Isa sa malapit na probinsya sa Metro Manila ay ang Cavite. Maraming puwedeng pagpilian na bayan dito at lahat ay may iba-ibang personalidad o karakter.

Habang kami ay naglilibot, isa sa mga umagaw ng atensyon namin ay ang bayan ng Indang. Nasa sentro ito ng Cavite, two-hour drive from Manila at tinaguriang makasaysayan at bayan ng agri-turismo.

Heto ang aming mga rekomendasyon.

  1. Tourism Building (Dating Municipall Hall)

Isang restored building sa gitna ng bayan na napakaganda at seguradong hindi nyo ito makakaligtaan dahil aagaw ito ng atensyon nyo.  Ito rin ang tinaguriang pinakamatandang Municipal Hall sa probinsya ng Cavite.

  • Bahay Kalamay

Dito lamang sa Balay Kalamay ka makakabili ng Indang’s “One town, one product,” na designated ng Department of Trade and Industry. Masarap ito at kailangang subukan lalo na kung first time mo sa Indang.

  • Pio De Roda Café

Thirty three years and counting. Ganito na katagal ang Pio de Roda Cafe na nag-umpisa bilang isang simpleng restaurant, nagkaroong ng event venue, room accommodations at ngayon naman ay coffee shop. Please don’t forget to try their food and muffins.

  • St. Gregory The Great Church

Ang simbahan na ito ay nagsimula bilang Chapel ng mga Jesuits at sinimulang itinayo noong 1672-1676 hanggang 1710.  Noong Philippine Revolution, sinunog ang simbahan na ito at nirestore noong 1953 at 1987.

  • Sanctuary Nature’s Farm

Organic vegetables, plants, cactus, chicken at marami pang iba – lahat ng iyan ay mayroon dito sa Sanctuary Nature’s Farm.  Sila ay accredited training site ng TESDA for organic agriculture production.

  • Bonifacio Shrine

Hindi makukumpleto ang pamamasyal niyo sa Indang kung hindi niyo mapupuntahan ang Bonifacio Shrine sa Barangay Limbon.  Dito sa lugar na ito, nahuli si Andres Bonifacio ng mga officers ng Philippine Revolutionary Government.

  • Driftwoods Action Park

Isa sa highlight ng trip sa Indang ay ang lugar na Driftwoods Action Park. Malaki, malawak at masarap ang hangin dito dahil sa napakaraming mga puno.  Puwede kayong mag-camping, mag-coffee, mag ATV, at iba pang activities na kasama ang iyong family or friends. 

To watch our full feature about Indang, please visit our YouTube – Ang Pinoy Channel, and here’s the link https://www.youtube.com/watch?v=f5m3yzfxtsU

Please don’t forget to support us by sharing, liking, and subscribing to Ang Pinoy Channel.


It will make our day if you share this post 😊