Kilalanin ang Calaca

Travel

Jan 08, 20223 min Read

Malinis, maayos at fresh ang hangin – eto ang mga simpleng katangian ng Calaca, na ngayon ay approved na at officially ay maaari ng tawaging City of Calaca.

Fifteen to twenty minutes away from Tagaytay ay matatagpuan niyo ang City of Calaca.  Kung magmumula ka sa Diokno Highway, marahil ay magtataka kayo kung ganito ba talaga siya ka-simple dahil na rin sa maraming taniman at puno na makikita along the way.

May dalawang mukha ang Calaca at ito ang nagbibigay ng kakaibang personalidad sa lugar na ito.  Isang lugar na mayaman sa agrikultura at ang isa naman ay industriyalisado dahil na rin sa mga kumpanya na may mga planta sa may seaport.

Pinasyalan namin ang City of Calacala at narito ang ilan sa mga lugar na meron dito.

1. St. Raphael the Archangel Parish

Ang St. Raphael the Archangel Parish ay matatagpuan sa sentro mismo ng City of Calaca.  Napakaganda nito at mapapansin niyo agad ang kakaibang bato na bumubuo sa simbahan na ito.

Inumpisahang itinayo ang Parish na ito noong 1836. Pagpasok niyo sa simbahan, makikita niyo na agad ang mga magagandang katangian nito, mula sa tiles, dome ceiling, at syempre, ang distinct image ni St. Raphael the Archangel na nasa gitna mismo ng altar. Si St. Raphael the Archangel ay mapaghimalang santo sa City of Calaca.

2. St. Raphael the Archangel Parish Museum

Sa katabi lamang ng St. Raphael the Archangel Parish ay makikita ang bahay na native ang hitsura.  Sa second floor nito ay matatagpuan ang Museum kung saan nakatabi ang ilang antiques na santo, paintings at communion rail na dating nakatalaga sa loob ng simbahan.

3. Calaca Municipal Hall

Malaki at maaliwalas ang dating ng Calaca Municipal Hall na matatagpuan sa gitna mismo ng lugar na ito. Malaki ang kalsada sa harap nito at may maluwag na parking area sa side mismo ng munisipyo.

4. Black Tea Project

Sa harap lang ng Calaca Municipal Hall ay makikita niyo na ang Black Tea Project.  Maliit man sya pero aagaw ito sa inyo ng pansin. Malinis at maayos ng loob nito. Syempre, huwag niyong kalimutang bumili ng tea nila.

5. Calaca Industrial Seaport

Ilang metro mula sa Calaca Municipal Hall ay makikita niyo ang Calaca Industrial Seaport. Kung kayo ay galing sa Lemery side, madadaanan niyo ito.  Sa loob nito ay makikita mo ang Phoenix Petroterminals at iba pang kumpanya na  malaking bahagi para mas maging progresibo ang ating bansa.

6. Mountain of Salvation

Sa kabilang dako ng Calaca ay makikita niyo ang tahimik at very solemn na lugar na Mountain of Salvation.  Napakaganda nito at napakaraming puno.  Dito sa lugar na ito ay nagpakita diumano si Blessed Mother kay Ms. Emma de Guzman.  Masarap magdasal dito at segurado kami na magiging mapayapa ang kalooban niyo pagkagaling niyo dito.

7. Calaca Demonstration Tech Farm

Isa sa mga hinangaan namin dito sa Calaca ay ang One Barangay, One Project program nila. Ang Calaca ay mayroong Calaca Demonstration Farm kung saan ay punong-puno ito ng iba’t ibang gulay, prutas at halaman. Ang One Barangay, One Project program ay naglalayon na tulungan at suportahan ang isang barangay sa pamamagitan ng pagtatanim ng isang uri ng gulay o prutas na maaaring makatulong sa mga tao para maging kabuhayan ito.

8. Tagle Leisure Farm

Ang lugar na ito ang isa sa mga highlights ng aming pamamasyal sa City of Calaca.  Napakasarap ng hangin at nakaka-relax sa lugar na ito. Malawak ang Tagle Leisure Farm, may ilang bahay sa loob, receiving area, pool at marami pang iba.

Tara, tayo na at kilalanin ang Calaca. 

Please watch our feature on the City of Calaca at our YouTube Channel – Ang Pinoy Channel. Here is the link – https://www.youtube.com/watch?v=Evl8bSAfzoQ

Don’t forget to like, share and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.


It will make our day if you share this post 😊