Natural ang Ganda ng Nasugbu

Travel

Dec 13, 20215 min Read

Malapit na ulit ang Christmas holidays at marahil ay marami sa atin ang nagbabalak magbakasyon sa ibang lugar. Mayroong naghahanap ng beach, bundok, o kaya ay isang simpleng lugar na malamig ang hangin at puwede magpahinga lang with families.

Isa sa mga lugar na talagang kahanga-hanga ang ganda ay ang Nasugbu.  Malapit lang ito sa Manila dahil halos 2 ½ hour drive lang ito. Dito, tunay na makikita mo ang “Nature at its best,” dahil kumpleto ito mula sa dagat, bundok, mga taniman, at marami pang iba. Simple lang ang bayan na ito at mababait ang mga tao.

Sa aming paglilibot noong nakaraan, nakita namin ang kakaibang ganda ng Nasugbu. Ito ay nagsasalarawan ng kanayunan ng Pinas.

Tara, umpisahan na natin at goodluck sa inyong pagpaplano.

1. St.  Francis Xavier Church

Sa lahat ng bayan na pinupuntahan namin ay sinesegurado namin na ang first stop ay ang simbahan. Dito sa Nasugbu, madali mong makita ang St. Francis Xavier Church dahil nadadaanan ito, napakalaki at malapit lang sa Municipal Hall.

Ang St. Francis Xavier Church ay itinayo noong 1852 at dedicated kina St. Francis Xavier and Nuestra Señora de la Escalera. Nasunog ito at nagpatayong muli noong mga 1990’s. Kakaiba ang laki nito, napaganda ng loob at ngayon nga ay declared na Pilgrimage site ng Archdiocese of Lipa.

Location: JP Laurel St., Nasugbu, Batangas

2. San Antonio de Padua Parish Church

Dahil malaki ang bayan ng Nasugbu, iminungkahi ng St. Francis Xavier Church na mahati ito sa dalawa, at ang isa nga ay pinangalanang “San Antonio de Padua Parish,” na matatagpuan sa Barangay Kaylaway.

Sa mga bumabiyahe sa highway papunta sa Nasugbu, hindi mo maaaring makaligtaan ang napakagandang simbahan na ito. Malaki din ito, gawa sa pink bricks, maluwag ang buong kapaligiran, malamig pa ang hangin at higit sa lahat, napaka-solemn ng dating.

Location: Bgy. Kaylaway, Tagaytay-Nasugbu Highway, Nasugbu, Batangas

3. Kainan sa Dalampasigan

Habang patuloy kami sa paglilibot, nakakita kami sa bayan ng signage ng “Kainan sa Dalampasigan.” Sinundan namin ang arrow at bumungad sa amin ang napakagandang entrance papasok sa Kainan sa Dalampasigan.

Punong-puno ito ng halaman mula sa gate hanggang sa parking. Pagdating sa reception area, maaliwalas pa din ang dating. Napakalaki ng lugar, maayos ang serbisyo at reasonable ang presyo ng pagkain.  Tunay na puntahan ng mga pamilya.

Location: 4231 R. Martinez Street, Nasugbu, Batangas (almost beside Batangas State University)

4. Grills and Noodles

Kung naghahanap kayo ng dimsum and noodles, daan kayo dito sa Grills and Noodles. Bagong bukas lang ito at kasalukuyan nakatayo sa isang bagong building sa likod lamang ng St. Francis Xavier Church.

Subukan nyo ang beef noodles dahil lasang-lasa mo ang sabaw nito at try nyo din ang fried siopao.  Mabait ang may-ari nito at very hands-on. May parking din sa harap at madaling makita ito.

Location: 105 Concepcion Street, Barangay 4, Nasugbu, Batangas  

5. Hermanos Café

Maganda ang kuwento ng Hermanos Café. Bago kami pumunta sa coffee shop na ito, sinabihan kita ng may-ari na nagbubukas sila ng 3pm. Napaaga kami ng kaunti at nakita namin na nagpi-prepare pa sila.

Ang Hermanos Café ay binuo ng apat na magkakapatid na lalaki.  Dalawa sa kanila ang hands-on sa negosyo at sinesgurado muna nila na tapos na ang kani-kanilang trabaho bago sila magbukas ng café.  Cute ang lugar at sa terrace nila sa taas, mayroon din silang binebentang mga bonsai.  Tinutungan din sila ng kanilang mother at wife ng isang kapatid na lalaki.

Location: Villa Mariquita Subdivision, Lumbangan, Nasugbu, Batangas (near Shakeys Nasugbu)

6. Carat’s Café

Pagpasok mo pa lang sa lugar na ito ay masaya na ang dating, sabi ko nga, very festive  ang mood.  Mayroon ng Christmas decorations at nakangiti na agad ang mga staff na nasa counter.

Labas pasok ang mga tao, nagkukuwentuhan ng malakas pero masaya ang mga mukha.  Mayroon ding area na puwede for Instagram picture. Madali din itong mahanap dahil nasa highway lang sya.

Location: 565 J.P Laurel Street, Nasugtbu, Batangas

7. SunMega Prime Pitaya Farm

Kung gusto nyo naman mamasyal sa isang farm o kaya ay matuto ng dragon fruit farming, puwede niyong bisitahin ang SunMega Prime Pitaya Farm.

Malaki ang lugar at ayon sa may-ari, halos 2.5 hectares ang kabuoang farm.  Kasulukuyan, 450 trees of dragon fruit ang nakatanim dito.  Sa mga gustong matuto at mag-umpisa ng dragon fruit farming, puwede niyo silang bisitahin sa farm o kaya ay mag-message sa kanila.

Location: Barangay Catandaan, Nasugbu, Batangas

8. Mt. Batulao

Dito sa Nasugbu, dalawa ang puwedeng puntahan na bundok para mag-hike.  Sabi nila, kapag baguhang trekker mas magandang puntahan ang Mt. Talamitam. Doon sa sanay ng umakyat ng bundok, puwede ng mag-hike sa Mt. Batulao.

Hindi namin naakyat pareho pero pumunta kami sa may Evercrest area, para sana sa jump-off ng Mt. Batulao. Kung may sasakyan ka, puwede ka mag-drive hanggang doon sa lugar na malapit sa Mount of Salvation, ipark ang sasakyan mo at maglakad na lang. Pero kung wala naman, puwede ka bumaba sa Evercrest at sumakay ng tricycle papunta sa jump-off area. Maari rin kayong maghanap ng guide sa Facebook, bago pumunta sa parehong bundok.

Location: Jump-off area: Evercrest, Batulao, Nasugbu, Batangas

9. Barangay Bucana

Sa mga gusto mag-beach, maraming resorts na makikita kayo sa lugar na ito. Tabi-tabi ang mga ito at mamimili lang kayo kung ano ang pasado sa panlasa nyo.

Kung gusto nyo naman ng libre lang, puwede kayo dumaan sa may DPWH area, lakad lang ng kaunti, at puwede na kayo mag-beach. Pino ang buhangin at segurado kami na mae-enjoy nyo din ang beach.

For the whole feature of Municipality of Nasugbu, you can watch it at our YouTube Channel – Ang Pinoy Channel. Kindly refer to this link https://www.youtube.com/watch?v=uEm62z5y9WA

Please don’t forget to share, like, and subscribe to our YouTube Channel – Ang Pinoy Channel


It will make our day if you share this post 😊