Places to see in Silang

Travel

Nov 30, 20215 min Read

Kapag weekend or holiday, madalas akong niyayayang bumili ng halaman, at saan pa nga ba ang destinasyon, walang iba kung hindi sa Silang.

Kumpleto ang Silang. Dito makikita niyo halos lahat ng sangkap para sa isang maunlad na bayan mula sa industrials parks, malls, schools, hospitals, restaurants, event venues, at marami pang iba.

Bukod sa halaman, hayaan nyo kaming ikuwento pa ang ilan sa iba pang makikita sa napakagandang lugar na ito.

  1. Bohemian Garden Café

Kapag kayo ay nasa Pulong Bunga area, seguradong aagaw sa inyo ng atensyon ang Bohemian Garden Café dahil sa angking ganda nito.  Nagsimula sila sa pagbebenta ng halaman hanggang sa naglagay na sila ng coffee shop para na rin sa kanilang mga customers.

Masarap mag-relax dito, umorder ng food and drink, magbasa ng libro, at ienjoy ang music and service.

Location: Purok 5, Pulong Bunga, Silang, Cavite

2. Liberty Garden & Café

Malaking bagay ang nagawa ng pandemic dahil nagbukas ito ng maraming oportunidad sa maraming tao.  Ang Liberty Garden Café ay nagsimula bilang hilig sa halaman ng may-ari, hanggang sa maisipan nyang gawing negosyo ito.

Ang Liberty Café ay paborito ng maraming pamilya na puntahan kung weekend para sa family lunch or dinner. Maganda at maluwag ang lugar, puwede ka mag-ikot-ikot, magpahangin at ienjoy ang nature dahil na rin sa lakas ng hangin at mga puno at halaman na nakatanim. Nga pala, kilala ang lugar para sa masarap na luto ng kambing.

Location: Purok 3, Pulong Bunga, Silang, Cavite

3. TalaArawan Farm Café

Ito ang isa sa magpapatunay na ang location ay isa lang sa basehan para magkaroon ng isang successful business. Ang TalaArawan Farm & Café ay nasa looban ng Silang, ilang minuto ang layo sa bayan. Ngunit laking gulat namin na punong-punong ang lugar, at mayroon pang mga naka pila para sa ma babakanteng mesa.

Maganda ang TalaArawan Farm & Cafe, malinis, simple at very welcoming ang lugar. Masaya ang mukha ng mga customers habang ine-enjoy nila ang homemade cakes at iba pang pagkain na available dito.

Location: Purok 4, Malaking Tatiao, Silang, Cavite

4. San Antonio de Padua Parish

Ang simbahan na ito ay isa sa mga paboritong venue for wedding rites, maging sa mga teleserye at pelikula.  Ang San Antonio de Padua Parish ay napakagandang simbahan.  Pagpasok mo pa lang sa gate, mararamdaman mo na ang pagiging solemn ng lugar. Maluwag ang parking area at malamig ang simoy ng hangin.

Mamamangha ka rin sa loob ng simbahan mismo, at mararamdaman mo talaga ang presensya ng ating Poong Maykapal.

Location: Pook, Silang, Cavite

5. Silang Church or Shrine and Parish of Nuestra Señora de Candelaria

Makasaysayan ang simbahan na ito. Ang Shrine and Parish of Nuestra Señora de Candelaria ay ang pinakamatandang simbahan sa probinsya ng Cavite dahil natapos ito noong 1639. Ito ay kilala sa pagkakaroon ng Spanish Colonial Architectural Style at ng rococo-influenced retablos.

Ang Shrine and Pasirh of Nuestra Señora de Candelaria ay declared na National Cultural Treasure ng National Museum of the Philipines.

Location: J. P. Rizal, Silang, Cavite

6. Farm Hills Garden, Restaurant & Antique de Belle Café

Ang lugar na ito ay pinaghandaan at maayos na pinagplanuhan.  Mula sa kanto ng Barangay Ulat Road, papasok sa Farm Hills Garden ay mamamangka na na sa kanya ng pine trees na makikita mo.  Ramdam mo ang lamig ng hangin na naidudulot nito.

Pagpasok mo sa mismong Farm Hills compound, babatiin ka ng isang malaking building kung saan naroon ang restarurant, hotel at coffee shop. May sariling merkado ito.

Ilang hakbang mula sa restaurant ay makikita naman ang kanilang event venue, indoor and outdoor.  Muli, napakasarap ng hangin dito, at napakaganda ng lugar dahil sa na rin sa pine trees na nakapalibot dito.

Location: Barangay Ulat, Silang, Cavite

7. Balai Palmera

Naghahanap ka ba ng masarap na buko pie na hindi masyadong matamis? If oo ang sagot mo, daan ka na dito sa Balai Palmera, isang bagong bukas na Pasalubong area. 

Malaki ang lugar, may sapat na parking area at maraming produkto ang makikita mo.  Kuwento nila, sinusuportahan nila ang mga malilit na negosyo kaya marami kang produkto na makikita dito na mula sa mga SMEs.

Location: Tagaytay-Silang Road, Barangay Pasong Langka, Silang, Cavite

8. Shambala Silang

Noong unang makita ko to sa social media, napahanga na ako agad nito at sinegurado ko na mapupuntahan ko ito. Ang Shambala Silang ay isa sa mga hidden gems ng Silang. Mula sa gate nito hanggang sa restaurant, hanggang sa accommodation area kung saan nandoon ang mga Ifugao Houses ay mapapa-wow ka sa ganda ng lugar.  Maraming pocket gardens dito na talaga namang pinag-isipan at inaalagaan.

Kung mahilig ka sa arts katulad ng paintings, sculpture, at iba pa, segurado kaming magugustuhan mo dito. Ang Shambla Silang ang kauna-unahang art gallery sa bayan ng Silang.

Location: Shambala Road, Purok 5, Pulong Bunga Road, Silang, Cavite

Kulang ang isa o kahit na dalawang araw para makita mo ang ganda ng Silang. Napakaraming puwedeng gawin at puntahan pa na hindi na namin naisama sa listahan.  Malapit lang ito sa Metro Manila kaya pasyal na kayo.

Para sa buong feature ng Silang, you may watch it at our Youtube Channel – Ang Pinoy Channel, Wow, Silang.  Link is https://www.youtube.com/watch?v=Vh0FwdbOluo

At kung gusto nyo naman mapanuod ang individual videos ang lugar na nabanggit, bisitahin niyo rin ang isa pang sister channel namin sa YouTube – Faces, Places & Traces. Ito ang link ng San Antonio de Padua Parish, https://www.youtube.com/watch?v=w25fMWsEXuc&t=13s

Please support us by watching our videos and of course subscribing to us.


It will make our day if you share this post 😊