The Quaint Town of Amadeo
Oct 04, 2021 • 1 min Read
Naramdaman nyo na ba iyong at home na at home kayo sa isang lugar? Iyan ang nakita at pakiramdam ko sa Amadeo.
Ang Amadeo sa Cavite ay minsan ng tinawag na “Coffee Capital of the Philippines.” Katabi lamang ito ng Silang, Tagaytay at iba pang lugar sa Cavite. Malamig pa ang simoy ng hangin dito, parang extended ang climate na meron sa Tagaytay.
Sa unang pagbisita ko pa lang sa Amadeo, ibang klase na ang naramdaman ko. Tila hinihila ako pabalik sa lugar na ito. Lagi kong naalala ang “Kape at maliliit na tindahan na tatak sa lugar na ito.”
Ang Amadeo ay may sariling personalidad na seguro ay dahil sa kultura nila dito. Ibang klase ang pagmamahalan sa pamilya at suporta nila sa kanilang komunidad. Mapapansin mo na walang masyadong commercial buildings na nakatayo sa bayan na ito, at sabi nga ng nakausap namin, sinusuportahan nila ang mga negosyo ng mga taga-rito.
Simple, tahimik, malinis, at masaya ang mga tao dito. Ito ang Amadeo, lugar na kinalakihan ng mga tao roon at pangalawang tahanan naman sa marami na pinipiling tumira dito sa “The Quaint Town of Amadeo.”
To have a glimpse of what you can see in Amadeo, please watch it at our YouTube Channel – Ang Pinoy Channel, and click the link https://www.youtube.com/watch?v=6bFXDo1qVeE
Please support us by liking and subscribing to our YouTube Channel, Ang Pinoy Channel.