Tiangge Sa Taytay

Jacel de Jesus in Travel

Sep 13, 20193 min Read

Ngayong taon, mas lalo pang umigting ang pagsikat ng Tiangge sa Taytay.  Kaliwa’t kanan ngayon ang mapapanood sa social media at YouTube na naglalaman ng mga puwedeng bilhin sa Tiangge sa Taytay.

Ang Taytay ay isang first class municipality na matatagpuan sa probinsya ng Rizal. Ito ay katabi lamang ng Cainta at karugtong din ng Pasig City.  Ang bayan ng Taytay ay tinaguriang Garments and Woodworks Capital of the Philippines.  Bago pa man naging sikat ang Tiangge sa Taytay, marami na dating nagbebenta ng damit na pambata, kurtina, at iba pang tinaguriang ready-made.  Dati ng kilala ang Taytay na pinggagalingan ng mga paninda na dinadala sa Baclaran.

Ang Tiangge sa Taytay ay nagsimula few years ago sa may tabi ng palengke at side ng Club Manila East.  Dati, bukas lang ang Tiangge sa Taytay ng ilang araw at ilang oras sa isang linggo.  Ngunit dahil sa murang presyo ng mga bilihin, inumpisahan na itong puntahan ng mga tao mula sa iba’t-ibang lugar at kasama na dyan ang mga taong gusto magnesyo. Ngayon, ilang establishments na rin ang nakatayo sa area upang seguraduhing maa- accommodate ang mga mamimili. Maihahalintulad natin ang Tiangge sa Taytay sa Pratunam na matatagpuan sa Bangkok, Thailand.

1.  Paano Pumunta Sa Taytay? 

– Maraming paraan kung paano pumunta sa Taytay.  Puwedeng mag jeep mula sa Cubao at Crossing sa may EDSA o kaya mag bus ng G Liner sa may Robinsons Galleria.

– Kung ikaw naman ay may sasakyan, puwede ka ding dumaan sa may Pasig City kung galing ka ng C5 o kaya derecho ka lang ng Ortigas Avenue hanggang Ortigas Avenue Extension kung manggagaling ka ng Robinsons Galleria. Marami ang mga parking areas na mura lang ang bayad.

2.  Ano Ang Mga Mabibili Sa Tiangge Sa Taytay?

– Sari-sari ang mabibili mo sa Tiangge sa Taytay. May mga damit pambata, pandalaga, pang binata, pang tita, pang nanay, pang tito, pang tatay, pang lolo at lola, at marami pang iba.

– Maari ka ding bumili dito ng damit na pambahay, pang school, pang gimik at kahit pang opisina.

– Kung marunong kang mag mix and match, magiging sosyal ang dating ng mga damit mo at walang maniniwala na binili mo ito sa presyong Taytay.

3.  Paano Mamili Sa Taytay?

– Pagdating sa Tiangge sa Taytay, ang malimit mong maririnig na tanong ng tindera ay “wholesale or retail.” 

– Kapag pinili mo ang wholesale, kailangan mo bumili ng at least tatlong damit na pare-parehong design or may ibang tindahan na pumapayag na iba-iba ang design basta sa kanila ka bibili.  Dito, segurado kang makakatipid ka sa budget mo.

– Kung di mo naman kailangan ng marami at isa lang ang gusto mo, di ka pa rin lugi sa “retail price” dahil seguradong mura pa rin ito kumpara sa presyo sa malls at iba pang tiangge sa Metro Manila.

– Tandaan nyo din na dahil sa  murang halaga, karaniwan hindi na rin nagbibigay ng discount or tawad ang mga may ari ng paninda pwera lang kung overwhelmingly charming ika nga.

4. Maari Bang Bumili ng Paninda o Pang Neyosyo sa Taytay?

– Dahil sa mababa ang presyo ng kanilang paninda, maari kayong mamili o maging reseller ng mga damit na makikita nyo sa Tiangge sa Taytay.

– Karamihan sa mga namimili dito ngayon ay ang mga may online shop o sariling puwesto  din sa ibang lugar.

Tara na, bisitahin na ang Tiangge sa Taytay, di kailangan ang mga “ukay-ukay” kasi ang mga paninda ay bago at yaring Pinoy


It will make our day if you share this post 😊