Welcome to San Pablo City

Travel

Jul 17, 20225 min Read

Bata pa lang ako ay madalas ko ng marinig ang San Pablo City sa lolo ko. Ang naging tanong ko sa sarili ko, ay ano ba ang hitsura ng San Pablo city at ano ang meron dito?

Ang San Pablo City ay isang first class component city sa lalawigan ng Laguna. Ito ang mayroong pinakamalaking land area sa Laguna at may 80 barangays. Progresibo ang City na ito dahil sa dami ng food chains and restaurants, may hotels, malls, car dealerships, hospitals at marami pang iba.

Minsan na ring tinawag na “Jeepney Capital of the Philippines” ang San Pablo City, dahil seguro dito matatagpuan ang isa sa malaking manufaturers ng passenger jeepneys dito sa ating bansa, ang Armak Motors Corporation na nag-umpisa noong 1979.

Narito ang ilan sa mga highlights ng San Pablo City na maaaring pasyalan.

  • San Pablo City Hall

Isa sa mga malimit na nagiging pamantayan ng isang lugar ay ang structure of the City Hall or Municipal Hall.

Ang San Pablo City Hall ay isa sa mayroong malaking City Hall na nakita namin. Sa palibot nito ay mayroong pang ibang buildings na kaakibat ng City Hall katulad ng Registry of Deeds, Police Station, One-Stop Processing Center, Human Resource Building at marami pang iba.

Address: San Pablo City Hall is located at Trece Martirez St., Barangay V-A, Dagatan Boulevard, San Pablo City, Laguna

  • Doña Leonila Park

Ang Doña Leonila Park ay katabi lang ng San Pablo City Hall. Noong 1987, idineklara ang lugar na ito na Mini-Forest Park ng Bureau of Forest Development. Napakaraming puno sa lugar na ito at kitang-kita niyo ang kalinisan na taglay nito.

Ipinangalan ang park na ito sa dating First Lady, Mrs. Leonila D. Garcia, ang maybahay ng Former President na si Carlos Garcia.

Address: Doña Leonila Park is located at  Barangay V-A, San Pablo City, Laguna

  • Si Christina Gateau Sans Rival

Kung paborito niyo ang Sans Rival, ang lugar na ito ay highly recommended dahil sa sarap ng sans rival na mabibili dito. Hindi masyado matamis at kasalukuyang may tatlong variants na available.

Tama lang ang presyo at puwede rin kayo mag-dine in dito to try their other foods.

Address: Si Christina Gateau Sans Rival is located at 6 Rizal Avenue, San Pablo City

  • Kalahi Bakery

Kung type niyo  ang mga typical breads na nabibili sa bakery sa kanto katulad ng kalihim, ensaymada, pan de coco, mamon, at iba pa, daan na tayo sa Kalahi Bakery.

Ang Kalahi Bakery ay itinayo noong 1942. Nakakabilib na after 80 years, lumaki na sya at nakatayo sa isang magandang building, may small café area sa loob at kasama na rin ang cakes sa kanilang offerings.

Address: 4000 T. Azucena St., San Pablo City, Laguna

  • Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit

Ang Cathedral Parish of Saint Paul the Hermit ay agaw pansin dahil sa kulay orange na structure nito.  Malawak ang compound ng simbahan, may  sapat na lugar para sa mga sasakyan ng churchgoers.

Kapag pumasok kayo sa loob, simple lang ito. Pero ang nakakapagpagaan ng loob ay ang neutral color mula sa floor tiles, ceiling, dome at altar ng simbahang ito.

Huwag niyong kalimutang dalawin ang statue ni Jesus Christ sa tabi ng altar, ang wood door sa may side entrance, at syempre ang Sacred Heart Image ni Jesus Christ na makikita sa gitna mismo ng parking area.

Address: Marcos Paulino Ave., San Pablo City, Laguna

  • Sampaloc Lake / Sampaloc Boardwalk

Ibang-iba na ang dating ngayon ng Sampaloc Lake – malinis at masarap maglakad kahit na anong oras.

Maraming pocket gardens, may mga food stalls sa may harapan, may area na rin para sa mga gustong umupo lang at tumitig sa ganda ng Sampaloc Lake. Ang laki na ng pinag-iba ng lugar at higit sa lahat, may roving police o tanod every now and then.

Sabi nga nila, ang Sampaloc Lake ay mananatiling isa sa mga highlights ng pamamasyal sa San Pablo City

Address: Sampaloc Lake is located at Dagatan Boulevard, San Pablo City, Laguna

  • One Town, One Product (OTOP) Hub

Tuwing bumibisita kami sa isang lugar, ang una naming hinahanap ay ano ang One Town, One Product na mayroon doon. Dito sa San Pablo City, makikita ang mga produktong gawa mula sa iba’t-ibang bayan sa Laguna. Mayroong handicrafts, foods, drinks at marami pang iba.

Let’s support local, and make sure to buy products from OTOP Hub.

Address: OTOP Hub is located at City Plaza, Rizal Avenue, San Pablo City

  • Cucina de Sabang 602

Ang Cucina de Sabang 602 ay simple lang kung tutuusin. Medyo malayo sa highway pero sulit ang pagpunta dito dahil sa sarap ng pinakbet at fried fish. Syempre, ang isa sa highlight dito ay ang view ng Bunot Lake na makikita habang kumakain.

Address: Cucina de Sabang 602 is located at 602 Sabang Road, San Pablo City, Laguna

  • Bunot Lake

Ilang hakbang mula sa Cucina de Sabang 602 ay ang Bunot Lake. Payapa ang lugar, may mga nangingisda kahit na tanghali, at may mga bata kaming naabutang naglalaro, sabay paligo sa Bunot Lake. Nakaka-relax sa pakiramdam habang tinitingnan namin ang lake.

Address: Bunot Lake is located at Sabang Road, San Pablo City, Laguna

  • Sulyap Café

Enchanting ang dating ng Sulyap Café, dahil seguro sa lumang bahay at dami ng halaman at puno na nakapalibot sa lugar.

Mayroon ding alfresco area para sa mga gustong sa labas lang mag-stay at kung coffee lang ang hanap niyo, may separate na coffee area na katabi lang ng restaurant.

Address: Sulyap Café is located at Cocoland Compound, Barangay Del Remedio, San Pablo City, Laguna

  • Adobo Mix

Adobong may gata at pink na sago’t gulaman, ito ang laging makakapag-paalala sa amin sa Adobo Mix. Masarap ang food, malinis at good service.

Address: Pan Philippine Highway, Barangay San Ignacio, San Pablo City, Laguna

Iba ang taglay na ganda ng San Pablo City. Malinis at peaceful ang tourist areas, masasarap ang mga pagkain at mababait ang mga mamamayan.

Please watch our feature on Nagcarlan at our YouTube – Ang Pinoy Channel. Please click the link, https://www.youtube.com/watch?v=7xX6P2fijV4

Don’t forget to share, like and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.


It will make our day if you share this post 😊