Dalawang Babaeng Masigasig sa Negosyo

EntrePINOY

Dec 15, 20212 min Read

Marami ang naituro sa atin ng pandemya.  Iba-iba ang kuwento ng bawat isa, pero ang segurado, kahit anong kuwento ito, mayroong laging hatid na aral at inspirasyon para sa ating lahat.

Sa aming patuloy na paglilibot para sa Ang Pinoy, nakilala namin ang dalawang natatanging negosyanteng babae sa Silang, Cavite.  Si Ms. Liberty Segun at Ms. Kristina Ignacio ay parehong may negosyo bago mag pandemic.  Si Ms. Kristina ay mayroong bohemian clothes shop sa piling malls ay napilitan magsara at mag-online selling sa YouTube.  Si Ms. Liberty naman na nasa catering business ay napatigil dahil wala na ring nagpapa-cater kasi bawal ang mass gatherings. Kuwento pa nila, parehong malakas ang kani-kanilang negosyo noong walang pandemic at talaga namang maganda ang kita.

Bagama’t naapektuhan ng pandemic, piniling bumangon at naitayo nila ang dalawang café sa Silang, Cavite, ang Bohemian Garden & Café and Liberty Restaurant & Café.

Si Ms. Kristina ay nag-umpisa muli at nagtayo ng plants garden sa Silang.  Dahil na rin sa tulong at recommendations ng kanilang mga customers, itinayo nila ang Bohemian Garden & Café.  Masayang kuwento nya, na dumating pa nga sa punto na ang mga customers na nila ang nagbibigay ng mga suppliers para lang tumuloy-tuloy na sila sa café.

Halos pareho ang pag-uumpisa muli nina Ms. Liberty at Ms. Kristina.  Kinuwento ni Ms. Liberty na isang araw, habang tinitingan nya ang garden nya sa bahay, nakita niya ang mga halaman, at inumpisahan nyang ipost sa Facebook at yun mayroong mga bumili at doon na sya nag-umpisa na itayo ang kanilang Liberty Garden & Café. 

Ang buong kuwento ng dalawang natatanging babaeng masigasig na ito, na patuloy na nagsisikap para sa magandang kinabukasan ay mapapanuod nyo sa aming YouTube Channel – Ang Pinoy Channel.

Please watch our full interview at Ang Pinoy Channel, and link is https://www.youtube.com/watch?v=C5WvCzCq4QU

Don’t forget to share, like and subscribe to our channel, Ang Pinoy Channel.


It will make our day if you share this post 😊