Dingdong Dantes at ang kanyang Ding Dong Ph Delivery App

EntrePINOY

Jul 08, 20201 min Read

Noong nakaraang buwan ay nabalita ang paglo-launch ni Dingdong Dantes ng isang delivery app na tutulong sa mga kasamahan nya sa industriya na nawalan ng trabaho.

Binanggit ni Dingdong na ang inspirasyon nya sa negosyo ito ay ang kanyang asawa na si Marian Rivera na may home-based flower shop business. One time, may client na nagpapa-deliver ng bulaklak.  Nai-deliver ang bulaklak sa ibang pinto at nasira pa ito. Dahil dito, napilitang mag-motor si Dingdong at sya na mismo ang nag-deliver nito. At dahil sa nangyaring iyon, naisipan ni Dingdong na mag set-up ng motorcycle delivery business.

Ngayon nga ay puspusan na ang safety training ng mga ding dong ph riders dahil gustong masegurado ni Dingdong Dantes na safe at kumpleto lahat ang tools sa kalsada.

Congratulations Dingdong!


Photo Source: IG of Mr. Dingdong Dantes and dingdongph


It will make our day if you share this post 😊